^

Probinsiya

2 Sayyaf dedo sa encounter

RAISING CHILDREN WITH HIGH FQ - Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
2 Sayyaf dedo sa encounter
Base sa ulat, nagsasagawa ng maritime patrol operations ang naval fast craft ng Philippine Navy lulan ang mga tauhan ng pulisya nang masabat ang mga bandido.
File photo

MANILA, Philippines – Dalawang miyembro ng Abu Sayyaf Group ang napaslang makaraang makipagbarilan sa mga tauhan ng Philippine Navy at pulisya sa isinagawang maritime patrol operations sa karagatan ng Zamboanga City, Zamboanga del Sur noong Lunes ng tanghali. Ayon kay Captain Lued Lincuna, director ng Naval Public Affairs Office, kasalukuyan pang inaalam ang pagkakakilanlan ng dalawa na napatay sa karagatang nasasakupan ng Barangay Muti. Base sa ulat, nagsasagawa ng maritime patrol operations ang naval fast craft  ng Philippine Navy lulan ang mga tauhan ng pulisya  nang masabat ang mga bandido. Ang grupo ng mga bandido ay nangingikil sa mga mangingisda sa nasabing lugar. Nagkaroon ng ilang minutong bakbakan sa pagitan ng magkabilang panig kung saan napatay ang dalawa. Narekober sa encounter site ang cal. 45 pistol, granada, plastic sachet ng shabu  at ang bangkang may tatak na Irsan na gamit ng mga bandido.

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with