^

Police Metro

Sa pagpapatigil nang pagbili ng armas... US binu-bully na ang Pinas

PURPLE SHADES - Malou Escudero - Pang-masa
Sa pagpapatigil nang pagbili ng armas... US binu-bully na ang Pinas
Sinabi ni Sen. Panfilo Lacson, dapat ay magsagawa muna ng isang “conclusive investigation” ang “US State Department kaugnay sa na­ging akusasyon ni Se­nator Benjamin Cardin bago magpalabas ng statement na nagba-ban sa pagbebenta ng armas sa uniformed personnel ng bansa.
File photo

MANILA, Philippines – The United States’ decision to halt the planned sale of 26,000 rifles to the Philippine National Police was not a scare tactic but a bully attitude towards a longtime ally – which is not fair, the Philippines being an equally sovereign state”.

Ito ang inihayag ni Senator Panfilo Lacson at isang uri na pagbu-bully ang ginawa ng Estados Unidos at hindi tama ang inugali ng mga ito gayung matagal na silang kaibigan ng Pilipinas.

Sinabi ni Lacson, dapat ay magsagawa muna ng isang “conclusive investigation” ang “US State Department kaugnay sa na­ging akusasyon ni Se­nator Benjamin Cardin bago magpalabas ng statement na nagba-ban sa pagbebenta ng armas sa uniformed personnel ng bansa.

Idinagdag ni Lacson na maaring maapektuhan ang implementasyon ng Capability Enhancement Program (CEP) ng PNP dahil sa desisyon ng US pero maari namang bumili ng armas sa ibang teritoryo.

Inihalimbawa ni Lacson ang Taiwan na tumigil na sa pagbili ng armas sa Amerika at kumukuha na ng kanilang standard 9mm pistols mula sa Germany na mas mahusay umano at mas tama sa kanilang panga­ngailangan.

Bukod sa Taiwan maaari aniyang bumili ng armas sa Israel, Belgium at maging sa Russia o China.

Iginiit naman ni Senator Ralph Recto na dapat tangkilikin na  ng gobyerno ang local arms industry at dapat magsilbing hudyat sa gobyerno ang naging desisyon ng US upang isulong ang isang programa na gumawa ng sariling armas para sa militar at pulisya.

Hindi rin aniya tama na mula sa helmet hanggang sa boots ay im­ported kung maaari namang tangkilikin ang mga local na produkto.

“What is made in Marikina is as good as what is made in Ame­rica. There are many of them, from boat buil­ders to vehicle manufacturers, who can step up to the plate once there are firm orders from the government,”ani  Recto.

Maari rin aniyang ang mga car manufacturing ng bansa na ang mag-suplay ng sasakyan sa militar at pulisya at huwag ng kumuha sa ibang bansa.

vuukle comment

US BINU-BULLY NA ANG PINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with