^

Bansa

Gen. ‘Bato’ bullet proof na sasakyan ang gamit

RAISING CHILDREN WITH HIGH FQ - Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahilan sa dumaraming mga pagbabanta sa kaniyang buhay, inamin ni PNP chief P/Director General Ronald “Bato” dela Rosa na ‘bullet proof ‘ na ang kaniyang sinasakyang behikulo sa kaniyang mga lakad.

Sinabi ni Dela Rosa na kung dati-rati ay isang luma at simpleng Ford Ranger lamang ang kaniyang ginagamit ngayon ay isang bullet proof land cruiser na.

Ayon kay Dela Rosa, bago niya ginamit ang nasabing bullet proof land Cruiser ay isinangguni muna niya ito kay Pangulong Rodrigo Duterte .

Ang nasabing bullet proof vehicle, ayon pa kay Dela Rosa ay donasyon ng isa niyang mayamang kaibigan na supporter ng PNP sa anti-drug at anti-criminality campaign ay isinangguni muna niya sa punong ehekutibo.

“ Dumarami ang aming kaaway kaya sabi sa akin ni Presidente tanggapin ko na “, pahayag ni Dela Rosa.

Magugunita na una nang ibinulgar ni Dela Rosa na itinaas sa tig P 1 bilyon ng mga drug lord na nag-ambagan umano para ipatumba sila ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Inihayag naman ng opisyal na kaakibat na ng kanilang trabaho ang panganib sa kanilang buhay at handa siya sa anumang maaring mangyari.

Sa kasalukuyan, ayon pa sa opisyal ay patuloy ang puspusang anti-drug campaign ng PNP upang matuldukan ang problema sa droga sa loob ng isang taong palugit matapos na palawigin pa ito ni Pangulong Rodrigo Duterte ng anim na buwan.

vuukle comment

GENERAL BATO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with