^

Metro

Anti-drug operation: 4 patay

PURPLE SHADES - Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon
Anti-drug operation: 4 patay
Sa ulat kay QCPD Director P/Senior Supt. Guillermo L. Eleazar ng Police Station 2, nakilala ang dalawa sa mga nasawi na sina Ricardo Mamaril, alyas Iking; Mark Charlie Ang, alyas Chan Chan; Jeff Kenneth Firmalino, alyas Pipoy; at Rey Dolin; pawang mga residente sa Brgy. Bagong Pagasa.
File photo

MANILA, Philippines – Apat katao na sangkot sa ilegal na droga ang nasawi, habang apat pa ang naaresto makaraang manlaban umano sa ikinasang buy-bust operation ng mga operatiba ng Quezon City Police sa lungsod kamakalawa.

Sa ulat kay QCPD Director P/Senior Supt. Guillermo L. Eleazar ng Police Station 2, nakilala ang dalawa sa mga nasawi na sina Ricardo Mamaril, alyas Iking; Mark Charlie Ang, alyas Chan Chan; Jeff Kenneth Firmalino, alyas Pipoy; at Rey Dolin; pawang mga residente sa Brgy. Bagong Pagasa.

Habang ang mga nadakip naman ay sina Mario Gumiran, 53; Jessa Mae Ca­bigaw, 20; at Krista Melody Ere­diano, 20; at isang 16-anyos na binatilyo na pawang mga residente rin sa naturang barangay.

Sabi sa ulat, si Mamaril ang pinaka-target ng operation dahil kabilang siya sa drug watch list ng Brgy. San Antonio, habang si Cha Cha, naman ay nasa drug watchlist ng Brgy. Pagasa.

Nakaengkwentro ng mga suspek ang mga tropa ng Station Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Group (SAID-SOTG) sa operasyon sa may  Sitio San Roque II, Brgy. Bagong Pag­asa, Quezon City dakong alas-11:40 ng gabi.

Sinasabing nakatunog ang mga suspect na mga pulis ang kanilang ka-transaksyon sa droga kaya pinaputukan ng mga ito ang huli na nagresulta sa pagpapalitan ng putok na ikinasawi ng apat habang apat pa rin ang na­dakip.

Sa pagsisiyasat narekober sa crime scene ang pitong sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 15 grams, dalawang .45 caliber pistol, da­­lawang .38 revolver, at mga drug paraphernalia.

vuukle comment

ANTI-DRUG OPERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with