^

Probinsiya

Bahay niratrat: Mag-ama todas, mag-ina kritikal

-
Pinaulanan ng bala ng malalakas na kalibre ng baril ang bahay ng isang pamilya ng mga miyembro ng rebeldeng Moro Islamic Liberation Front na ikinasawi ng mag-ama, samantalang malubhang nasugatan naman ang mag-ina sa Purok 10, Sta. Lucia, Brgy. Abuno, Iligan City kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina Allan Sumahumay ang anak nitong isang taong gulang na si Jabar, samantala, ang malubhang nasugatan na ngayon ay nasa Gregorio Liuch General Hospital ay nakilalang sina Jocelyn at anak na babaeng si Manaida.

Batay sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, naganap ang pangyayari bandang alas-8:30 ng gabi matapos maghapunan ang pamilya Sumahumay at masayang naghuhuntahan.

Nakarinig na lamang ang mga kapitbahay ng mga biktima ng malalakas na putok ng baril at nang magresponde ang mga ito ay bumungad ang mga duguang biktima sa sahig ng kanilang bahay. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ABUNO

ALLAN SUMAHUMAY

BATAY

BRGY

CAMP CRAME

GREGORIO LIUCH GENERAL HOSPITAL

ILIGAN CITY

JABAR

JOY CANTOS

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with