^

PM Sports

Tanduay humahabol sa semis slot

Jaime Laude - Pang-masa
Tanduay humahabol sa semis slot

Ambassador Sung Kim has said the US will provide two surveillance planes to the Philippines to assist troops fighting the Islamic State-inspired Maute group. AP/File

MANILA, Philippines - Patuloy na buhayin ang kanilang tsansa para sa no. 2 spot na may kakambal na outright semifinals berth ang pupuntiryahin ng Tanduay Rhum habang mapanatili namang buhay ang pag-asang makatuntong ng quarterfinals ang target ng Marinerong Pilipino sa pagsalang nila ngayong hapon sa 2017 PBA D League Foundation Cup.

Mauunang  sumabak sa dalawang koponang nabanggit ang Skippers kontra sa tanggal nang Gamboa Coffee Mix sa ganap na alas -3:00 ng hapon na susundan ng tapatan ng Rhum Masters at eliminated na ring AMA Online Education sa ganap  na  alas-5:00 ng hapon.

Kasalukuyang  nasa ikatlong puwesto ang Tanduay hawak ang 6-2 panalo-talo,  isang panalo lamang ang pagkakaiwan sa pumapangalawang Cignal na may barahang 7-2.

Papapel namang spoiler ang katunggali nilang Titans (1-7) na nauna nang nawala sa kontensiyon kasama ng Zarks  Burgers, (1-8)  Gamboa Coffee Mix (1-7) at Racal Motors(3-5).

Magbubuhat  ang Rhum Masters sa 93-81 tagumpay kontra sa Wang’s Basketball para sa ikatlong sunod nilang panalo  na pormal na nagsulong sa  kanila sa quarterfinals.

Ngunit hindi iniisip ng Tanduay ang top 2 spots sa ngayon dahil naka focus  sila sa intensyong ipanalo ang mga nalalabing laban.

“We have to stay sharp. “Yung focus dapat nandoon lalo na sa transition defense and we’re really putting emphasis on the team’s collective focus,” ayon kay  Tanduay coach Lawrence Chongson.

“We’ve  got to sustain the momentum.I’ve been here long enough  and we know how it works, “ dagdag  nito.

Kagaya naman ng Titans,  tatangkain ding maka-upset ng Coffee Lovers para sa target  nilang magandang pagtatapos sa una nilang pagsali sa liga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with