Wall mananatili pa ng 4-years sa Wizards
Porter napapirma rin ng bagong kontrata
MANILA, Philippines - Imbes na patagalin pa ang kanyang contract extension, pinirmahan na ito ni John Wall.
Pumayag si Wall sa four-year, $170 million extension sa Washington Wizards sa ilalim ng Designated Player Veteran Exception para siya maging isa sa highest paid players sa NBA.
Bukod pa rito, nasa Wizards na ngayon ang top three players na nakakontrata ng hanggang sa sususunod ng apat na seasons na sina Wall, Bradley Beal at Otto Porter.
Ang extension offer ni Wall ay inihain, dalawang linggo na ang nakakaraan at magsisi-mula ito pagkatapos ng kanyang kasalukuyang five-year contract sa loob ng dalawang taon.
Makakakuha siya ng kabuuang $207 million sa 2022-23.
Noong nakaraang dalawang linggo, tinapatan ng Wizards ang four-year, $106 million offer sheet ng Brooklyn para ma-retain si Porter.
Dahil na-retain ng Wizard ang kanilang magagaling na batang players, intact pa rin ang batang nucleus players ng Wizards para maging palaban pa rin sa Eastern Conference matapos mabigong makuha ang puntiryang si Kevin Durant. “I think we’ve proven that we have as much resources and as much tools as anybody in the league and we’re in the tax,” sabi ni Leonsis. “We’ll spend whatever we need to get better, but we’re going to get better by keeping our core together and then adding to it.”
- Latest