^

Pang Movies

AiAi ‘di nananalo ‘pag nag-a-attend ng awards night!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Tuloy na tuloy ang kasal ni AiAi delas Alas sa fiancé na si Gerald Sibayan sa US sa November na birthday month niya. Ito ang kinumpirma ng Comedy Queen nang makatsikahan namin sa dinner blow-out ng Regal Entertainment matapos ang matagumpay na red carpet premiere night ng pelikula niyang Our Mighty Yaya with Megan Young.

Kung saan sa US, aniya ay hindi pa raw niya alam dahil aayusin pa niya ang pagpunta roon.

November 11 ang birthday ni AiAi at malamang na ito na rin ang date ng kasal nila.

“Kasi ‘di ba, ‘yung ninang ko na isa, eh ‘yun ang gift,” she said.

Bukod sa nalalapit na kasal, AiAi has all the reasons to be happy nowadays dahil sa magagandang bagay na nangyayari sa buhay niya, latest of which ay ang pagkakapanalo niya bilang Best Actress sa ASEAN International Film Festival Awards (AIFFA) 2017 para sa pelikula niyang Area na idinirihe ni Louie Ignacio.

‘Yun nga lang, hindi na nakapunta pa sa Malaysia si AiAi para personal na tanggapin ang award dahil nataon namang ang dami rin niyang schedule sa ‘Pinas noong time na ‘yun. Bukod sa nasa promo time siya ng Our Mighty Yaya na showing na today, May 10, may taping din daw siya ng Wowowin at may Sunday PinaSaya pa siya.

“Pero okay lang ‘yun, kasi ‘pag pumupunta naman ako, hindi ako nana­nalo,” natatawa niyang sambit.

Natuwa and at the same time ay na-shock daw siya nang una niyang malamang nagwagi siya.

“Kasi, akala ko, may time difference (sa Malaysia at sa atin), sabi ko, ‘10:00 (ng gabi) na, wala pang nagte-text, eh siguro talo ako.’ Tapos, ‘yun pala 10:30,” kwento ni AiAi.

Hindi raw niya ine-expect na mananalo siya at para sa kanya, okay na sa kanya ang ma-nominate.

Natuwa naman si AiAi na ang dati niyang network na ABS-CBN ang unang naglabas ng pagbati sa kanya. But of course, nag-congratulate rin daw sa kanya ang Sunday PinaSaya.

Pangalawang international award na ito ni AiAi at matatandaang nanalo rin siya sa 7th Queens World Film Festival sa New York para sa Area pa rin.

Ngayong international awardee na siya, magi­ging mapili na ba siya sa mga projects na gagawin niya?

“Dati pa naman na talagang pinipili ko ang mga projects na gagawin ko, hindi ‘yung basta tira lang nang tira. Kailangan may proper ti­ming saka si Boy (Abunda) naman ang nagde­desisyon ng ibang mga ano,” she said.

Sa lahat ng blessings na dumadating, sobrang thankful na lang ni AiAi kay Lord at feeling niya rin, si Gerald ang kanyang lucky charm.

Samantala, aside from AiAi ay dumalo rin sa premiere night ng Our Mighty Yaya ang iba pa niyang kasama sa movie tulad nina Megan, Zoren Legaspi, Sofia Andres, Kiko Nicolas, mga child star na sina Lucas Magallano at Alysson McBride at Beverly Salviejo. Of course, present din ang direktor na si Jose Javier Reyes at ang producers na sina Mother Lily Monteverde and daughter, Roselle Monteverde-Theo.

Jennylyn at baguhang si Gil lutang  ang chemistry

Inilabas na last Monday ng GMA-7 ang tea­ser ng My Love From the Star na pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Gil Cuerva at ilang oras pa lang nari-release ay nag-trending na agad ito sa Twitter, proof na nagustuhan ito ng tao at talagang inaabangan na.

Teaser pa lang ay naaliw na kami sa mga eksena nina Gil at Jen bilang Matteo Do at Steffi Cheon. In fairness, may chemistry and kilig sila.

At nakakatuwa dahil kaboses nila mismo ang mga original Korean stars na gumanap nito na sina Kim Soo-hyun and and Jun Ji-hyun.

In fairness to Gil, first acting job niya ito pero nakaarte siya’t parang hindi first-timer.

And si Jen, teaser pa lang, nakakatuwa na as Steffi. We remember when we interviewed her at sinabi niyang kinakabahan siya na baka hindi niya mabigyan ng justice ang role ni Steffi dahil magaling na aktres daw ang gumanap nito sa Korea.

Ayon pa kay Jen, ito raw talaga ang pinakamahirap niyang role ever. Dugo’t pawis ang puhunan niya rito dahil inaral niya talaga ang karakter ni Steffi. After watching the teaser, we must say sulit ang lahat ng pagod nila, pati na rin ng direktor na si Bb. Joyce Bernal na mukhang itinodo na rin ang husay sa pagdidirek sa proyektong ito.

Hindi pa ina-announce ang airing date ng MLFTS.

vuukle comment

AIAI DELAS ALAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with