^

Kutob

Mayo 10, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Kalma lang ako. Sapat si Hesus sa buhay ko.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Mauubos ang oras na walang mangyayari kung aasa ka sa iba. Kung gustong matapos ang gawain, kumilos kahit mag-isa. Huwag aksayahin ang panahon kahit ang iba ay ayaw tumulong. Sariling kapakanan ang dapat bigyan ng prayoridad. Lucky numbers at color for the day ay 2, 12, 24, 39 at Pink.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Ang problema sa relasyon kung patuloy na magbubulag-bulagan ay walang solusyon na mangyayari. Patuloy ang paghihirap ng minamahal dahil sa relasyon na nanganganib na masira. Kung pagtutuunan ng pansin, madali nang makakahanap ng tamang solusyon sa problema. Lucky numbers at color for the day ay 1, 13, 27, 39 at Yellow.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Mag-ingat sa mga bibitiwang salita, dahil may magagalit o masasaktan na damdamin. Mabuting maging taga-pakinig kaysa maging taga-pagsalita. Kung may sasabihin, tiyakin na walang masasaktan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 25, 31, 44 at Blue.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Hindi dapat ipilit sa kanya kung ano ang ayaw, dahil pagmumulan ito ng hindi pagkakaunawaan at malamang hahantong sa away. Tingnan ang iyong mga nakaraan nang makaiwas sa muling pagkakamali. Lucky numbers at color for the day ay 5, 10, 23, 35 at Red.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Maging praktikal sa sasabihin kung ano ang gustong sabihin. Makakabuting ilabas ang sama ng loob, kaysa patuloy na kinikimkim. Walang mangyayaring solusyon sa pagmumukmok at pag-iyak. Lucky numbers at color for the day ay 5, 16, 22, 30 at Royal blue.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Kung magmumukmok ng dahil sa problema, pinahihirapan mo lamang ang iyong sarili. Tanggapin ang pagkakamali ng iba, dahil walang taong perpekto sa mundo. Kung masakit ang kalooban dahil sa kagagawan ng iba, mabuting kausapin sa mahinahong paraan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 18, 29, 38 at Peach.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – May mga pagbabago kang dapat gawin at kung ito ay magagawa, lalandasin ang kaunlaran. May dapat kang pakinggan na suhestiyon o mungkahi na dapat sundin. Huwag aksayahin ang panahon, kumilos kaagad. Lucky numbers at color for the day ay 3, 9, 26, 37 at Navy blue.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Kung inaakalang ikaw ang nagkamali at gustong magkabati, huwag mahiyang ikaw ang unang lumapit. Masusurpresa ka sa araw na ito, dahil may mangyayaring hindi inaasahan. Maging alerto lagi. Lucky numbers at color for the day ay 8, 16, 29, 30 at Cream.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Iwasan na makagawa ng bagay na makakasakit ng kalooban ng minamahal. Dahil hahantong ito sa matagal na tampuhan. Pairalin ang pagkamaunawain at pasensiya sa kasambahay at kasamahan. Maaaring may magtampo o magkaroon ng hinanakit. Lucky numbers at color for the day ay 2, 17, 36, 45 at Green.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Iwasan ang sobrang subsob sa trabaho at ang kakaisip sa pagresulba ng problema. Mas magiging maayos ang sitwasyon kung magre-relax o mamasyal para makasagap ng panibagong enerhiya ng kalikasan. Huwag hayaan na maapektuhan ang sarili ng biro dahil ikaw ang talo. Hangga’t maaari, makisayaw sa tugtog. Lucky numbers at color for the day ay 3, 17, 26, 41 at Peach.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – May darating na suliranin, ngunit madali mong malulutas. Tuklasin ang dahilan kung bakit hindi nangyayari ang gusto mong mangyari. Ikaw lamang ang makaka-alam kung bakit may kapalpakan kang nagawa. Lucky numbers at color for the day ay 12, 25, 37, 42 at Fuschia.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Isang tao ang aakit ng iyong atensiyon. Bago mahulog nang lubos ang kalooban, alamin muna ang kanyang pinanggalingan at pagkatao. Huwag magtiwala dahil nakapaligid ang mapagkunwari. Maging alerto upang hindi mapeke. Lucky numbers at color for the day ay 12, 16, 29, 41 at Brown.

vuukle comment

TAURUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with