^

PSN Showbiz

Concert isinabay na Sharon sa amerika muna titira! ; Kim at Gerald parang may nararamdaman pa sa isa’t isa

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Hindi abusado na kaibigan si Bret Jackson dahil tinanggihan niya ang free trip sa South Korea na alok ng kanyang bestfriend na si James Reid.

SCENE: Matagal na mananatili sa US si Sharon Cuneta sa susunod na buwan hanggang sa July dahil sa mga concert niya sa California at New York.

SEEN: Sandali lamang ang participation ni Heart Evangelista sa Mulawin vs. Ravena dahil bibigyan siya ng GMA-7 ng teleserye na pagbibidahan niya.

SCENE: Ang Mulawin vs. Ravena ang pinakamagastos na telefantasya ng GMA-7 dahil sa talent fees nina Dennis Trillo, Heart Evangelista, Lovi Poe, Carla Abellana at Regine Velasquez.

SEEN: Umasa ang Kimerald fans na magkakaroon ng Part 2 ang relasyon nina Kim Chiu at Gerald Anderson dahil sa mga eksena ng dalawa sa guesting nila sa Gandang Gabi Vice noong Linggo. Parang may nararamdaman pa ang dalawa sa isa’t isa.

SCENE: Malabo pa ang posibilidad na magkabalikan sa tunay na buhay sina Kim Chiu at Gerald Anderson dahil going strong ang relasyon nito kay Bea Alonzo. Ang love affair nina Gerald at Bea ang nagkaroon ng Part 2, hindi ang relasyon nina Gerald at Kim.

SEEN: Dumaranas pa rin ng postpartum o post natal depression si Rufa Mae Quinto dahil nahihirapan siya na magpapayat at nami-miss na niya ang pagiging active sa showbiz.

SCENE: Malakas ang hinala ni Lian Paz na kilala niya ang basher na gumagamit ng ibang pangalan at palaging nagkukumpara sa kanya kay LJ Reyes, ang girlfriend ng ex-husband niya na si Paolo Contis.

SEEN: Mas maskulado na ngayon si Raymond Gutierrez kesa sa kanyang twin brother na si Richard. Inspirasyon si Raymond ng mga tao na nawalan ng pag-asa na pumayat.

vuukle comment

CONCERT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with