^

PSN Showbiz

Sandara naiwan na ang mga kasabayan!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Humarap sa entertainment media ang dating member ng K-Pop all girl group na 2NE1 at dating Kapamilya star na si Dara Park (na mas kilala sa Pilipinas bilang si Sandara Park) para sa kanyang upcoming Korean movie na One Step na ipalalabas sa Pilipinas released thru Viva Pictures International.

Kinu-consider ni Dara na second home ang Pilipinas kaya pabalik-balik siya rito at madalas siyang magsama ng kanyang mga kaibigan from Korea para makita rin nila ang magagandang tanawin ng ating bansa. Katunayan, tumutulong si Dara na i-promote ang Pilipinas sa kanyang bansa.

During the presscon, hesitant man sumagot si Dara tungkol sa issue ng pagkaka-link niya sa TV host na si Robi Domingo at ang pagtuturo sa kanya na siya umanong dahilan ng break-up ni Robi sa kanyang ex-girlfriend na si Gretchen Ho, klinaro ni Dara na hindi umano totoo ang naglabasang balita.

Since loveless pa rin dapat ding bigyang-halaga ni Dara ang kanyang pribadong buhay lalupa’t 32 na siya at hindi na bumabata. Pero hindi pa lamang siguro natatagpuan ni Dara ang lalaking magpapatibok ng kanyang puso.

Halos lahat ng mga kapanabayan ni Dara (sa bakuran ng ABS-CBN) ay may mga asawa’t pamilya na including her ex-boyfriend na si Joseph Bitangcol. Pero kung career ang pag-uusapan milya-milya na ang layo ni Dara sa mga ito.

Pagiging ‘prosti’ ni AiAi bumenta ulit sa abroad!

Everything is coming up roses para sa Comedy Queen na si AiAi delas Alas dahil sa sunud-sunod na blessings na dumarating sa kanya.

Matapos ang kanyang panalo bilang Best Female Actor sa recently-conclu­ded Queens World Film Festival na ginanap sa Queens, New York, USA for the kanyang kauna-unahang indie movie na Area tungkol sa aging prostitute, siya rin ang itinanghal na Best Actress sa katatapos pa lamang na ikatlong taon ng ASEAN International Film Festival sa Malaysia noong nakaraang Sabado, May 6, 2017.

Tulad sa Queens World Film Festival in New York, hindi rin nakadalo sa ASEAN International Film Festival si AiAi kaya idinaan na lamang niya sa kanyang Instagram account ang kanyang pasasalamat sa lahat. “No words can express my happiness and I’m so grateful for the prestigious award,” it says.

vuukle comment

AIAI DELAS ALAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with