^

PSN Opinyon

Pilipinas ang dapat may monitor station

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

NU’NG 2016 ibinasura ng UN Permanent Court of Arbitration ang “nine-dash” boundary ng China sa buong South China Sea. Ibinawal din ang pag-angkin ng Beijing sa Panatag Shoal. Lima ang mahahalagang pasya:

l Walang “historical rights” ang China sa ilalim ng UN Convention on the Law of the Sea;

l Nasa 200-mile exclusive economic zone ng Manila ang Panatag;

l Tradisyunal na pangisdaan ng maraming bansa ang Panatag;

l Nilabag ng China ang karapatan ng Manila sa bahura sa SCS;

l Winasak ng China ang kalikasan dahil sa island recla­mations.

Itinatwa ng Beijing nu’ng Marso ang planong environment monitoring station sa Panatag. ‘Yon ay matapos magmalaki ang Communist Party sa Shansa, ang munisipyo sa Hainan na nangangasiwa ng “nine-dash” claim, sa Hainan Daily ng gobyerno, na tatapusin ang radar station sa loob ng 2017.

Kung tutuusin, Manila ang dapat mag-istasyon ng enviroment monitor sa Panatag. Hurisdiksiyon ng Pilipinas ang bahura batay sa kasaysayan; tungkulin ng Pilipinas ang kalikasan doon sa ilalim ng UNCLOS; dapat protektahan ng Manila ang pangisdaan para ibahagi sa ibang bansa, base sa pasya ng UN court.

Dapat patrolyahan ng Philippine Coast Guard at ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang Panatag, laban sa mapanirang pangingisda ng sinoman. Wakasan na ang pag-aani ng mga Hainanese ng endangered pawikan, taklobo, at fan corals doon. Batay sa satellite photos nu’ng 2013-2015, sa kontrol ng Beijing, tatlo sa bawat apat ng 15,000-ektaryang lagoon ay winasak na. Mapanirang pangi­ngisda ang dahilan kung bakit sinita ng Philippine Navy simula’t-sapol ang mga Hainanese nu’ng 2012. Pero biglang inagaw ng Beijing ang Panatag.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

UN PERMANENT COURT OF ARBITRATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with