^

PSN Showbiz

Sandara never pang nagka-BF!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Maaga na nagsimula kahapon ang presscon ng One Step, ang Korean movie ni Sandara Park dahil early bird ito.

Eh maaga rin ako na nagpunta sa hotel na venue ng presscon kaya nakapagpa-pictorial pa ako kay Sandara na magiging tulay para makilala ko ang aking favorite Korean actor na si Song Joong-ki.

Sosyal si Sandara dahil natsismis noon na secretly dating sila ni Song Joong-ki pero sinabi niya sa presscon kahapon ng One Step na hindi pa siya nagkakaroon ng boyfriend dahil hanggang MU o mutual understanding lang ang kanyang mga experience.

Ang sey ni Sandara, afraid siya sa mga manager niya dahil nakalagay sa kanyang kontrata na bawal ang makipagrelasyon kaya hanggang ngayon, loveless siya.

Sinabi rin ni Sandara na mahirap sa kanya ang magkaroon ng boyfriend dahil sa pet cats niya. Tinatamad daw siya na lumabas ng bahay kapag magkasama na sila ng kanyang cute pet cats.

Maraming artista nagmamalinis sa ‘pagpapa-ano’

Napansin ko lang na karamihan sa mga artista na bumatikos kay Senator Tito Sotto dahil sa “na-ano lang” statement nito eh madalas na umaapir sa Eat Bulaga  dahil contestant sila sa Pinoy Henyo at Jackpot En Poy at higit sa lahat, nagpo-promote ng kanilang mga pelikula at television show.

Nag-apologize na si Tito Sen pero OA pa rin ang reaksyon ng ibang mga artista na sumusumpa na hindi nagpa-ano lang pero kung titingnan ang kanilang track record, kani-kanino sila nagpapa-ano.

Hindi ako nagmamalinis pero hindi ako nagpaapekto sa statement ni Tito Sen dahil hindi naman ako nagpa-ano lang. Sila ang in-ano ko at hindi ako ang na-ano at kung na-ano ko man sila, bayad ang mga oras nila! Properly paid sila ‘no!

Sharon dawit na

Maganda ang motibo ni Sharon Cuneta sa paghingi niya ng paumanhin dahil sa “na-ano lang” statement ni Senator Tito Sotto na asawa ng kanyang Tita Helen Gamboa pero pati siya, binibira ng haters at bashers ng senador.

Maayos at malinaw ang paliwanag ni Sharon pero biktima rin siya ng bashing dahil sa mga tao na hindi agree sa sinabi niya.

Mahirap i-please ang mga Pilipino, lalo na ang mga pasaway na feeling righteous pero hindi rin naman perfect. Sila ang mga tao na binabatikos si Sharon dahil sa pagmamagandang-loob nito kay Tito Sen pero hindi nila nakikita ang sariling mga pagkakamali. Sila na ang perfect.

Super affected ang haters ni Tito Sen pero ‘yung tao na tinitira nila, nakapag-move on na at mapapatunayan ito ng mga nanood kahapon ng Eat Bulaga.

Pauleen babae raw ang ipinagbubuntis

Madaragdagan na ang pamangkin ni Tito Sen dahil confirmed na buntis si Pauleen Luna, ang asawa ng kanyang loving brother na si Vic Sotto.

Ang pagbubuntis ni Pauleen ang good news kahapon ni Bossing sa Eat Bulaga viewers. Definitely, sa 2018 na isisilang ni Pauleen ang panganay nila ni Bossing.

Mula nang sabihin ni Bossing na preggy na si Pauleen, kanya-kanya nang hula ang fans sa gender ng bagets. May nagsabi agad na blooming ngayon si Pauleen kaya posibleng baby girl ang ipinagbubuntis niya.

vuukle comment

SANDARA PARK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with