^

PSN Showbiz

Sandara ‘binaril’ ang isyu kay Robi Domingo

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa bansa ang K pop superstar na si Sandara Park para i-promote ang first Korean movie niyang One Step, showing nationwide starting May 10. Ang Viva Pictures ang distributed sa bansa ng pelikula ni Sandara.

Medyo malungkot ang kuwento ng One Step dahil meron siya ditong kakaibang sakit, ang Colored Hearing Synesthesia. At bumabalik lang ang alaala niya tuwing siya ay kumakanta.

Kuwento ni Sandara, hindi madali ang nasabing role at kinailangan pa siyang kausapin ng masinsinan ng director para magampanan niya nang tama ang nasabing role. Pero nagulat si Direk Juhn Jalhong na hindi naging mahirap sa kanya na gawin ang character.

At doon niya sinabi sa director na nakagawa siya ng four movies sa ating bansa kaya adjusted na siya.

Nakakabilib actually si Sandara na during the presscon kahapon na ginanap sa Crown Plaza, bihira siyang magsalita ng English. Super fluent siya sa Tagalog kahit tinatanong siya ng English.

At wala siyang hindi sinagot na tanong sa open forum na ginanap with members of the entertainment press and TV crews.

Isa sa mga natanong sa kanya ay kung ano ba talagang real story sa pagli-link sa kanila ng TV host na si Robi Domingo. Napagbintangan kasing siya ang dahilan ng hiwalayan nito at girlfriend na si Gretchen Ho. “Hindi totoo ‘yun,” diretsong sagot ni Sandara. “Baka masira ang friendship namin ni Robi. Hindi magandang marinig ang question na ‘yan,” dagdag pa ni Dara na sumikat sa Korea bilang member ng sikat na pop group na nabuwag na, 2NE1.

Nakikita raw kasi silang magkasama ni Robi at pumunta pa ito sa Korea kamakailan na itinanggi ni Sandara.

Willing din siyang mag-stay sa bansa ng six months in case na may magandang offer.

Pero ngayon daw ay almost a week na siyang walang tulog. Bukod kasi sa promo rito sa bansa ng One Step, nagso-shooting siya sa Korea ng second movie niya, ang movie version ng Cheese in the Trap na pinagbibidahan ng sikat na Korean actor na si Park Hae Jin na malamang na next year pa raw ang showing. Sikat na Korean drama ang Cheese in the Trap.

At nang tanungin siya kung sino sa mga local actor natin ang gusto niyang makasama, “Si John Lloyd Cruz. Matagal ko na siyang gustong makasama.”

Sa Korean actors, kasama sa type niyang maka­trabaho ang favorite ni Nay Lolit Solis na si Song Joong-ki at Park Bo Gum.

Sa pelikula raw siya nalilinya at so far wala pang offer na Korean drama.

Anyway, hanggang Tuesday si Sandara sa bansa para sa One Step.

vuukle comment

SANDARA PARK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with