^

PSN Opinyon

Torre de Manila: Hindi pa tapos ang laban

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

KAHIT tapos na ang botohan sa Supreme Court at pina­yagan na ang DMCI na ipagpatuloy ang pagpapatayo sa pambansang photobomber, naniniwala ako na hindi rito natatapos ang laban. Maraming beses nang tinira ang Torre de Manila sa telebisyon, radyo at pahayagan pero wala pa rin kaming nagawa para tuluyan na itong maipahinto o tanggalin ang gusali dahil nga nakakasira ng view sa Rizal Park. Baka pagdating ng araw tuluyan nang mawalan ng saysay ang ating pambansang bayani na si Jose Rizal.

Ang hindi ko maintindihan sa pamahalaang lungsod ng Maynila ay kung bakit nakalusot ang permit ng DMCI na magtayo ng 49 palapag na gusali malapit sa Luneta­. Hindi masama ang magpatayo ng mga matataas na gusali sa ating bansa kaya lang sana ay piliin ang lugar na walang masasagasaan o iwasang makasira ng maga­gan­dang tanawin tulad ng Rizal Park. Ang nagkamali rito ay ang Manila Council, dapat pinag-aralang mabuti ang plano bago nag-released ng permit. At may sisihan pang nangyari sa pagitan nina Manila Mayor Erap Estrada at dating mayor Fred Lim. Nagturuan kung sino ang nagbigay ng lisensiya sa DMCI para sa pagpapatayo ng Torre de Manila, siyempre pera ang usapan dito, iba talaga pag pera ang pinairal.

Ngayong pumayag na ang Supreme Court na ipagpa­tuloy ang konstruksiyon ng Torre de Manila, palagay ko, isa-isa nang magsusulputan ang mga kompanyang magpatayo ng mga matataas na gusali sa paligid ng Luneta dahil ikakatwiran nila wala naman palang batas na nagba­bawal magtayo ng gusali kahit saan. Igalang naman natin ang ating pambansang bayani dahil inialay niya ang kanyang buhay para sa bayan.

Kung maaalala n’yo na karamihan sa mga bumibisita sa ating bansa mga lider man ito ng ibang bansa o turista ay pinupuntahan nila ang monument ni Rizal sa Luneta. Karamihan sa kanila ay nagpapakuha ng litrato sa may monument ni Rizal.

Sa puntong ito, suportado ko ang Knights of Rizal (KoR). Huwag naman sana nating kalimutan na si Dr. Jose Rizal ay isang bayani.

 

vuukle comment

SUPREME COURT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with