1-0 lead target ng Warriors
OAKLAND, California — Mabagal ang laro ng Utah Jazz, habang wa-la namang ginawa ang Golden State Warriors kundi ang tumakbo.
Ang kaibahan sa istilo ng dalawang koponan ay nakita sa first round ng NBA Playoffs kung saan tinalo ng Jazz ang Los Angeles Clippers sa Game Seven, samantalang winalis naman ng Warriors ang Portland Trail Blazers.
Huling naglaro ang Golden State noong Abril 24.
“I think we can play both styles. That's kind of their MO to slow the game down and try to make it a slugfest,” sabi ni Warriors forward Draymond Green.
Naging malaking bentahe para sa Golden State ang pagkakapahi-nga nina Kevin Durant, Stephen Curry at iba pa bilang paghahanda sa kanilang second round match-up ng Utah.
Nakatakda ang Game One ng Western Confe-rence semifinals series ngayon dito sa Oracle Center.
“I don't mind that we're young and we're green,” wika ni Jazz coach Quin Snyder. “I just want us to be good. It's hard to be good against the Warriors but that's what we're up against.”
Ang Jazz ang tanging koponan na tumalo sa Warriors sa huling 20 laro ng dating NBA cham-pions na nangyari sa re-gular-season game noong Abril 10 sa Oakland.
Ang pagduplika dito ay mas mahirap ngayong gawin sa playoffs.
“For us, the pace with which we play has not been deliberate,” ani Snyder sa ginagamit na formula ng Utah. “It's a deli-berate way of playing. It's more of a function of our personnel.”
- Latest