^

PSN Palaro

Meralco hahapit ng ika-7 panalo sa Phoenix

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos ang 2017 PBA All-Star Week ay muling pa­pagitna ang mga aksyon sa PBA Commissioner’s Cup.

Tatargetin ng Meralco ang kanilang pang-pitong panalo sa pagharap sa Phoenix ngayong alas-7 ng gabi matapos ang salpukan ng parehong minamalas na Blackwater at NLEX sa alas-4:15 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum.

Kasalukuyang suma­sakay ang Bolts sa two-game winning streak ma­tapos madungisan ang itinayong 4-0 kartada at hangad ang kanilang ikatlong sunod na panalo sa pagharap sa Fuel Masters.

Nanggaling ang Meralco sa 102-91 panalo laban sa Blackwater noong Abril 16, habang nakalasap ang Phoenix ng 94-96 kabiguan sa nagdedepensang Rain or Shine noong Abril 12.

Muling aasahan ng Bolts sina imports Alex Stepheson, 2016 PBA Rookie of the Year Chris Newsome, hinirang na bagong Slam Dunk champion sa nakaraang PBA All-Star Week, Cliff Hodge, Baser Amer at Reynel Hugnatan.

Sasandalan naman ng Fuel Masters sina reinforcement Jameel McKay, Matthew Wright, JC Intal, RJ Jazul at Mark Boboran.

Bitbit ng Meralco ang 6-1 kartada sa ilalim ng San Miguel hawak ang 5-0 record kasunod ang TNT Katropa (5-2), Barangay Ginebra (4-1), Star (4-2), Rain or Shine (4-3), Phoenix (3-4), Globalport (2-5), Blackwater (1-6), Mahindra (1-7) at NLEX (0-7).

Sa unang laro, muling pipilitin ng Road Warriors na maitala ang kanilang kauna-unahang panalo sa mid-season conference sa pakikipagtuos sa Elite.

Nalasap ng NLEX ang kanilang pang-pitong kamalasan matapos yumuko sa Ginebra, 102-91 noong Abril 19.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with