^

Kutob

Mayo 2, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Positibo ako. Gaano man ka-negatibo ang nasa paligid ko, kahit sa maiksing pakikisalamuha, unti-unti siyang magbabago para magpaka-positibo.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Maganda ang palatan­daan ngayon ng love life. Ang mahal ay makikiisa at magi­ging maalalahanin. Maaaring makatanggap ka ng magandang balita buhat sa koreo, telepono o sa makabagong tekno­lohiya. Ipagpaliban ang paglalakbay. Lucky numbers at color for the day ay 2, 3, 8, 34 at Beige.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Suriing mabuti ang transaksyon para hindi mauwi sa pagkawala at pagsasayang ng panahon. Huwag sayangin ang oras. Mukhang tata­marin ka ngayon kaya magsipag at maging tapat sa gawain. Nga­yon maipapakita ang taglay na katangian at kakayahan kung hindi iiral ang katamaran. Lucky numbers at color for the day ay 6, 10, 26, 34 at Old rose.

CANCER (Hunyo 20 - Hulyo 22) – Madaling masaktan ang iyong damdamin na magpapakulimlim ng iyong araw, kaya dapat paglabanan ito. Iwasan ang tsismis, biruan, kantiyawan at harapin ang mga gawain. Hindi magiging masaya ang romansa kaya lay-low muna. Umaayon ang panahon sa paglalakbay sa malapit o malayo. Lucky numbers at color for the day ay 1, 9, 37, 38 at Pink.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Mapalad ang transaksiyong darating, na dapat hindi pabayaan na makakawala. Iwasan ang pangako dahil hindi kayang tuparin. Ang usapan ay salamin ng pagkatao na dapat tuparin at hindi balewalain. Magkakaroon ng pagkakataon na makapamili ng kasangkapan sa tahanan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 14, 27, 33 at Pink.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Ang pag-aalaga ng kalusugan ng magulang ay dapat bigyan ng panahon at pansin. Sundin ang kutob at hindi magkakamali sa gagawing desisyon. Ang nasimulang trabaho ay tatakbo ng ma­ayos at mabilis na matatapos kung iiwasan ang tsismis. Lucky numbers at color for the day ay 1, 9, 17, 34 at Violet.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Sikapin na ma­malagi ang mabuting pagsasama sa loob ng tahanan at maging sa tanggapan o pinapasukan. May payo na makakabuti at may payo na makamandag, suriing mabuti bago magpahalaga sa anumang payong matatanggap. Iwasan na magkaroon ng bagong karelasyon. Lucky numbers at color for the day ay 1, 7, 22, 37 at Indigo.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Kaunting panahon na lamang ang kailangan upang matamo ang hinahangad, kaya huwag tantanan ang tiyaga at sipag. Magiging makulay ang araw para sa iyo dahil sa magandang kalooban mo, tapat na pakikitungo at pagiging masayahin. Lucky numbers at color for the day ay 1, 4, 31, 42 at Orange.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Mahalaga ang payong matatanggap mula sa matanda o mga magulang. Iwasan ang maging matampuhin dahil kabiguan lamang ang iyong daranasin. Sa tulong ng taimtim na dalangin, mapapawi ang taglay na mga suliranin. Lucky numbers at color for the day ay 4, 8, 14, 30 at Light green.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Ang konsentrasyon ng isip ay ilagay sa positibo at may matamis na bu­ngang pipitasin sa bawat gawain. Iwasan na maging malikot ang isipan at maaaring pasukan ng hindi magandang ideya at mapapahamak ka lamang. Tiyak na mabibigyan ng kasiyahan ang sarili at kapareha kung iiwasan ang usaping pera at selos. Lucky numbers at color for the day ay 10, 13, 17, 29 at Jade green.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Ang pinagsamang tiis, tiyaga, hinahon at sipag ay hahantong sa tagumpay at mapapasaiyo. Magiging kasiya-siya ang pag-aayos ng tahanan at pagtanggap ng panauhin. Mapagtatagumpayan ang kahirapang dinaranas sa nagdaan at ngayon ang simula ng pag-ani nang matamis na bunga. Iwasan ang tsismis para hindi mabaon sa utang. Lucky numbers at color for the day ay 2, 9, 14, 30 at Lavender.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Taglayin ang kahinahunan ng pag-iisip sa gawaing mental o pisikal para ma­iwasan ang disgrasya o pagkakamali. May pagkakataon na makilala ang mamahalin o soulmate. Maipapakita ang kakayahan kung nanaisin. Iwasan ang maglasing at magsugal. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 22, 33 at Purple.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Sikaping matupad ang pa­ngako sa minamahal dahil sasama ang loob niya at magtatampo kung iyong bibiguin. Ang tunay na pag-ibig ay hindi nasusukat sa materyal na bagay, kundi sa gawa at pang-unawa. Mapapasakamay ang hangarin sa pag-ibig. Hindi mabi­bigo kung malinis ang hangarin. Lucky numbers at color for the day ay 6, 9, 23, 35 at White.

 

vuukle comment

KUTOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with