^

Pang Movies

Aktres umaastang sikat nang magka-manager!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Noon pa man ay marami ang turned off sa female celebrity na ito na dating kabahagi ng isang lifestyle show na wala na sa ere.

Hindi nga raw malimutan ng staff ng show ang kabastusan nito.

Hanggang ngayon daw ay gano’n pa rin ang ugali nito at mas sumahol pa raw dahil nagkaroon na ito ng manager.

Ngayon daw ay kung umasta ay akala mo ay level niya ang mga sikat na artista ngayon.

Ayon sa aming source, panay nga raw ang banggit nito na may manager na siya at dapat daw doon idaan ang ipapagawa sa kanya kapag guest siya sa isang show.

“Kung umarte, akala mo kalakihan na siyang artista? Sino ba siya, eh gano’n pa rin naman daw ang ugali niya?

“Kung alam lang ng manager niya ngayon kung gaano kawalang modo ‘yan sa mga guest namin sa show noon. Isusumpa mo ang babaeng ‘yan.”

Example nga ng pagiging bastos ng female celebrity na ito nang supladahan niya ang isang aktres na mine-make-up-an sa dressing room niya.

Wala ngang ibang lugar para ayusan ang aktres kaya doon muna sila nilagay sa dressing room niya.

Ginagalang sa industriya ang naturang aktres pero tila walang urbanidad nga si female celebrity at nagsuplada pa ito dahil lang doon.

“Nakakahiya sa aktres kasi ito pa raw ang lumabas ng dressing room. Hindi man lang daw nag-sorry ang bastos na babaeng iyon.

“Wala talagang natitirang kagandahan sa maitim niyang budhi!” diin pa ng source namin.

Pagiging rape victim ni Madonna naungkat sa libro

Nag-aapoy sa galit ang Queen of Pop na si Madonna dahil sa paglabas ng isang unauthorized biopic niya kamakailan.

Nilalaman ng naturang biopic ang kanyang naging struggling years sa New York bago siya naging isang malaking icon sa American music industry.

“Nobody knows what I know and what I have seen. Only I can tell my story,” talak pa ni Madonna sa social media account niya na Instagram.

“Anyone else who tries is a charlatan and a fool. Looking for instant gratification without doing the work. This is a disease in our society,” dagdag pa niya.

Ang titulo ng unauthorized biopic niya ay Blond Ambition at isinulat to ng isang Los Angeles writer named Elyse Hollander.

Ayon sa script, naka-focus ito sa naging buhay ni Madonna noong dumating ito sa New York noong 1978 mula sa kanyang hometown in Detroit, Michigan. Dumaan daw sa maraming pagsubok si Madonna, kasama na ang pagiging rape victim niya.

Kasama rin sa biopic ang pagtrabaho ni Madonna sa isang Dunkin’ Donut shop sa Times Square habang naghihintay siya ng kanyang big break bilang singer at dancer. Ni-release ang unang album niya in 1983.

Matagal nang pinipilit si Madonna na gawan niya ng pelikula ang naging buhay noon. Pero nais niyang itago na lang ang mga nakaraan niya.

Ang script for Blond Ambition ay na-pick up ng Universal Pictures mula sa pile of scripts na hindi napipili for production.

Ngayon ay iko-co-produce pa ito ni Michael De Luca, ang isa sa producers ng Fifty Shades of Grey at The Social Network.

Hindi rin baguhan sa Hollywood ang writer nito na si Hollander dahil nakapagtrabaho na ito behind-the-scenes ng Oscar winning film na Birdman (The Unexpected Virtue of Ignorance) at sa short film na Nikolai.

vuukle comment

MADONNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with