^

PM Sports

Newsome bagong Slam Dunk King

Pang-masa

MANILA, Philippines - Itinanghal si Chris Newsome ng Meralco Botls bilang bagong Slam Dunk King sa ginanap na Skills Competition kahapon bago ang PBA All Star Game sa punung-punong Quezon Convention Center kagabi.

Tinalo ni Newsome si GlobalPort wingman James Forrester sa mahigpitang final round kung saan umiskor ito ng 43 at 44 sa kanyang dalawang dunks.

Nakopo ni Newsome ang titulo sa kanyang final attempt kung saan nag-juggle siya ng tatlong basketballs bago inihagis ang isa sa  backboard para sa isang eksplosibong dunk.

“I’m still happy man,” pahayag ni Newsome na nakabawi sa kanyang pagkatalo kay Guevarra noong nakaraang taon.

Sa katunayan ay naka-perfect score na 50 si Forrester sa kanyang unang dunk sa finals, nang talunan niya si GlobalPort teammate Stanley Pringle para sa isang dunk ngunit nagmintis siya sa kanyang original dunk sa second round finals kaya napuwersang mag-easy dunk.

Naagaw naman ni Allien Maliksi ang threepoint shootout title kay Terrence Romeo nang talunin niya ito ng isang puntos lamang.

Ipinasok ni Maliksi ang tatlo sa limang bola sa moneyball rack para ipagkait kay Romeo ang asam na ikatlong sunod na titulo. 

Umiskor lamang ng 19 pts. ang isa pang finaliast na si LA Tenorio na siyang highest pointer sa elimination round sa kanyang 23 points kasunod si Maliksi na may 21 at Romeo na may 18.

Matagumpay na  naidepensa ni Mave-rick Ahanmisi  ng Rain Or Shine ang kanyang titulo sa Cloudfone Obstacle Challenge nang magtala ito ng pinakamabilis na oras na 25.8 segundo.

Tinalo ni Ahanmisi sa finals si Alex Cabagnot na nagsumite ng ti-yempong 26.7 segundo.

Nauna nang tinalo ng Rain or Shine point guard sa face-off round si TNT Katropa playmaker Kris Rosales.

Pumangatlo naman si NLEX guard Emman Monfort sa kanyang itinalang 27.1 segundo kasunod ang 29.4 segundo ni RJ Jazul ng Phoenix.

Habang sinusulat ang balitang ito ay nag-lalaban ang Gilas at ang PBA Visayas selection.

Samantala, sa pagtatapos ng PBA All-Star Festivities, dadayuhin naman ang Cebu City kung saan makakaharap ng Gilas ang PBA Visayas Team sa Hoopsdome sa Lapu-Lapu City.

 

vuukle comment

CHRIS NEWSOME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with