^

Pang Movies

Mocha inagawan daw ng trono si Kris

Vir Gonzales - Pang-masa
Mocha inagawan daw ng trono si Kris
Kris Aquino

Teka, totoo ba ang kwentong naagaw na raw ni Mocha Uson ang title na Social Media Queen kay Kris Aquino?

Napakarami na raw kasing followers ni Mocha na parang nasapawan na si Kris kesehodang may ikinalat pa ito na balitang gagawa ng movie kuno sa Hollywood.

Anyway, marami ang nasorpresa noong mapasama si Mocha sa trip ni Pres. Digong Duterte sa Middle East.

Arrived na raw talaga ang beauty ni Mocha at nagbunga rin ng maganda sa kasasama niya sa rally noon kay Pres. Digong.

Sa pagsikat ni Mocha sa social media ay may mga komontra noong magsuot siya ng abaya at hijab. Hindi raw bagay sa isang babaing nag-bold noon sa pictorial ang magsuot ng ganitong sagradong kasuotan ng mga babaeng muslim.

AiAi at Gerald may napatunayan

Maraming boto sa pagpapakasal ni AiAi delas Alas sa kanyang bagets na fiancé na si Gerald Sibayan.

Ito’y patunay lamang na age doesn’t matter.

Hindi nga ba’t sina Vic Sotto at Pauleen Luna ay may age gap na 35 years?

Pero kahit ganoon ay kitang very happy ang mag-asawa.

vuukle comment

MOCHA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with