^

Metro

73 dinampot sa ‘One Time Big Time Ops’ sa Caloocan

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Nasa 73 katao kabilang ang 60 drug personalities at dalawang may warrant of arrest ang naaresto ng mga pulis sa isinagawang One-Time-Big-Time Operation (OTBT) sa Caloocan City.

Kahapon ay iprinisinta nina Northern Police District (NPD) director, Police  Chief Supt. Ro­berto Fajardo at Caloocan City Police Chief Sr. Supt. Chito Bersaluna sa mga mamamahayag ang mga naarestong suspect.

Nabatid  kay Sr. Supt. Bersaluna, alas-9:00 ng gabi nang ikasa nila ang OTBT sa buong lungsod.

Kabilang sa mga nadakip ang 60 katao na sangkot sa droga, 4 na wanted sa estafa, 7  sa city ordinance, 2 may warrant of arrest sa kasong qualified rape at iba pa. Isa rin ang  nahulihan ng 2 kalibre .45 baril, 1 1AR 15 bushmaster, 1 kalibre .9mm at mga bala .

Narekober sa operation ang nasa 40 gramo ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia.

Sinabi ni Fajardo na tuluy-tuloy ang kanilang kampanya kontra droga at mas mapapabilis   aniya nila ang pagsugpo rito kung makikipagtulungan ang publiko sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga impormasyon. Idineklara naman ni Sr. Supt. Bersaluna ang tatlong barangay na kinabibilangan ng Brgy. 44, 61 at 103 na “drug free” na.

vuukle comment

CALOOCAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with