^

Metro

Kelot na nagdiwang ng anibersaryo, itinumba

Lordeth Bonilla, Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Nauwi sa trahedya ang pagdiriwang ng anibersaryo ng isang 35-anyos na lalaki na dati umanong nasangkot sa  ‘pagtutulak’ ng droga matapos itong pagbabarilin hanggang sa mapatay ng tatlong hindi pa nakikilalang mga salarin, habang  anim namang katao kabilang ang apat na menor-de-edad ang nasugatan  nang tamaan naman ang mga ito ng ligaw na bala kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Dead-on-arrival sa Ospital ng Makati ang biktimang si Christopher Esguerra, ng Brgy. Rizal ng naturang siyudad, nagtamo ito ng ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Nilalapatan naman ng lunas sa nasabing ospital ang mga biktimang sina Veronica Canlas, 28, dalaga; Derrick Roxas, 18; Eura Lynn Villanueva, 7, pawang mga taga Lopez Jaena St.; Reica Marichelle Lyn Villanueva, 10;  Katryn Mae Dayco, 11 at Rhon Raiver, 9, pawang residente naman ng Bonifacio St., ng nabanggit pa ring barangay makaraang tamaan   ng ligaw na bala.

Ayon sa pagsisiyasat ni homicide investigador, PO3 John Marlou Garcia, ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB), naganap ang insidente alas-7:30 ng gabi sa kahabaan ng Lopez Jaena, Brgy. Rizal ng naturang siyudad.

Nagdiriwang ang biktima at ang misis nito  ng kanilang anibersaryo para sa ilang taon nilang  pagsasama. Sanda-ling lumabas ng bahay ang biktima at hindi nito akalain na inaabangan na pala siya ng tatlong kalalakihan na pawang armado ng baril at nakasuot ng sumbrero.

Habang naglalakad ang biktima ay biglang pinutukan ito ng mga suspect at tinamaan naman ng ligaw na bala ang nakatambay na anim na  katao kabilang ang apat na menor de edad.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang tatlong suspect na naglalakad lamang.

Samantala sa Valenzuela, utas din  ang isang kilabot na tulak ng iligal na droga makaraang makipagbarilan umano sa mga pulis sa ikinasang buy-bust operation, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang napaslang na si Wilson Ventura, ng Brgy. Malanday, ng naturang lungsod. Nabatid na kabilang si Ventura sa drug watchlist ng pulisya at may nakapending na order of arrest buhat sa Valenzuela City Regional Trial Court Branch 172 dahil sa kasong panggagahasa.

vuukle comment

CHRISTOPHER ESGUERRA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with