^

Metro

Technician nasa drug watchlist pinagbabaril, patay

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Patay ang isang denture technician na sinasabing kasama sa drug watchlist ng kanilang barangay at dati nang nakulong dahil sa kaso ng droga, makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Mandaluyong City, kahapon ng tanghali.

Nasawi noon din ang biktimang si Ferdinand Holanda, 50, residente ng Brgy. Hulo, bunsod nang tinamong siyam na tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Sa ulat ng Mandaluyong City Police, nabatid na dakong alas-11:25 ng tanghali nang maganap ang pamamaril sa Coronado St., kanto ng 4K, Brgy. Hulo sa lungsod.

Sinasabing naglalakad ang biktima sa naturang lugar nang bigla na lang sumulpot ang suspek mula sa kanyang likuran at kaagad siyang pinagbabaril, bago mabilis na tumakas.

Ayon kay PO3 Ding Dong Dominguez, may hawak ng kaso, lumitaw sa kanilang imbestigasyon na kabilang ang suspek sa drug watchlist ng barangay at dati nang naaresto noong taong 2016, sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

DENTURE TECHNICIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with