^

Punto Mo

Kung ‘nega’ ka sa in-laws mo

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

NEGA: short for negatibong ugali. Masamang ugali.

Si Natividad ay nakipag-live-in kay Luis na hiwalay sa asawa. Pareho silang nasa singkuwenta anyos noon kaya hindi na sila nagkaanak.  Palibhasa ay kulang sa edukasyon, idagdag pa ang mga paghihirap niyang pinagdaanan sa buhay, may ugali siyang laging palaban. Sa maikling salita ay napakataray niya. Kaunting bagay na sa pakiramdam niya ay nasaling ang kanyang damdamin, kukomprontahin agad niya ang taong sa palagay niya ay nakasakit ng kanyang pride.

Sa kabila ng kakulangan niya sa ganda, plus matanda na, masasabing isang milagro na nagustuhan siya ni Luis. Ang hula ng iba, panakip butas lang si Natividad dahil iniwan si Luis ng misis niya. Kung baga sa pagkain, laman-tiyan din. Pampatay oras. Sa kabilang banda, wala namang matino at magandang babae ang makakagusto kay Luis kahit may hitsura ito, dahil isang kahig, isang tuka lang siya. Trabahador lang ito sa pabrika na ang suweldo ay kulang pang ipambuhay sa lima niyang anak. Isang kagaya lang ni Natividad ang magkakandarapa sa kanya.

Anyway, ilang buwan pa lang silang nagsasama, umandar na naman ang katarayan ni Natividad. Nakipag-away kaagad ito sa isang anak  ni Luis. Ang mga anak ni Luis ay nakatira sa mga kamag-anak nito. Kaya kalat na kalat sa buong angkan ang pang-aaway nito.

Minsan ay sila naman ang nag-away ni Luis. Hindi na  kayang tanggapin ang mga murang ipinakakain sa kanya ni Natividad kaya nagpalipas ito ng oras sa bahay ng isang anak. Aba, nasundan pala ito ni Natividad. Nagwala ito sa harapan ng bahay ng anak at nagmura nang nagmura na parang wala nang bukas.

Isang araw napagod na si Luis kay Natividad. Paano ka tatagal sa babaeng pulos M ang katangian : Makyonget, Matanda at Mataray. Bumilang ng maraming araw pero walang Luis na umuuwi sa kanya. Maluka-luka siya sa paghahanap sa kaisa-isang lalaking may hitsura na nagkamali sa kanya. Isa-isang pinuntahan ang pamilya ni Luis para magtanong kung alam nila ang kinaroroonan nito. Iisa ang sagot ng bawat pagtanungan—Hindi ko alam.

Kung may ipinakisama siyang maganda sa angkan ng kanyang kinakasama, marahil kahit isa ay may kakampi siya at iyon ang makakapagsabi sa kanya kung nasaan ang kanyang minamahal na si Luis. Gugustuhin pa ba ng kapamilya ni Luis na magkita sila, eh, kapag nagalit, para siyang sinapian ng pinagsamang bagong panganak na tigre at leon    

vuukle comment

NEGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with