^

Police Metro

Duterte iuuwi ang nakapiit na OFWs sa Saudi

Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa tatlong araw na pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa tatlong bansa sa Middle East ay kumpiyansa itong maiuuwi sa Pilipinas ang mga nakakulong na overseas Filipino workers (OFWS) sa Saudi Arabia.

Sa kanyang departure message, sinabi ni Duterte na iuuwi niya ang mga Pinoy na nabigyan ng pardon o clemency ng Saudi King  at makikipagkita rin siya sa Filipino community sa Miyerkules bago tumungo sa Bahrain.

Umalis ang Pangulo kahapon ng alas-3:00 ng hapon sa Manila at dumating sa Riyadh ng alas-10:00 ng gabi (oras sa Saudi).

Highlight sa pagbisita ng Pangulo ay ang pakikipagpulong nito ng alas-10:00 ng umaga (oras sa Manila)  sa Royal Palace kay Saudi King Salman bin Aldulaziz Al Saud, nagsisilbi ring Custodian of the Two Holy Mosques ng kingdom.

Kabilang sa mga inaasahang tatalakayin nina Duterte at King Salman ay ang may kinalaman sa kapakanan ng mga OFWs,  at sa economic at political cooperation ng bawat bansa.

Personal na pasasa­lamatan ng Pangulo si King Salman dahil sa mga tulong ng Saudi government para sa mga stranded OFWs ng nakalipas na taon makaraang akuin ng hari ang airfare ng mga Pinoy na nagnanais na umuwi sa Pilipinas.

Nabatid na hihimukin din ng Pangulo ang mga investors sa Saudi na mamuhunan sa Pilipinas lalo na sa sektor ng Halal foods sa Mindanao.

Matapos ang pagbisita ng Pangulo sa Saudi, tutulak naman siya patungong Bahrain at Doha, Qatar na magpapatatag sa bilateral relations sa nasabing mga bansa.

Sa kanyang mga pagbisita sa tatlong nasabing bansa sa Gitnang Silangan, sasaksihan ng Pangulo ang iba’t ibang paglalagda ng mga kasunduan sa hanay ng paggawa, agrikultura, air services, kalusugan at political bilateral consultations.-Ellen ­Fernando, Malou Escudero-

vuukle comment

DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with