Huelgas, Adorna pinaghahandaan na ang mga kalaban
MANILA, Philippines - Naghahanda na sina SEA Games 2015 gold medalists Nikko Huelgas at Claire Adorna laban sa mabibigat na mga kasaling dayuhan sa darating na NTT ASTC Subic Bay International Triathlon sa Abril 29-30 sa Subic Bay Freeport Zone.
Malakas naman ang tiwala ng kanyang mga teammates na sina John Chicano, Mark Hosana, Edward Macalalad, 2015 SEAG silver medalist Kim Mangrobang at Kim Kilgroe laban sa ibang mga internationalists triathletes mula sa Japan, New Zealand, Portugal, Australia, Slovakia, Macau, Singapore, Korea, Indonesia, Hong Kong, Chinese Taipei at Malaysia.
Makikipagtagisan ng husay ang mga miyembro ng Philippine national triathlon team sa 1.5km swim, 40km bike and 10km run Elite competition na sinusuportahan ng Subic Bay Metropolitan Authority, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Finis, Century Tuna, the Philippine STAR, Gatorade, Standard Insurance, The Lighthouse Marina Resort at ACEA Subic Bay.
Ang mga Pinoy triathletes ay umaasang makasama sa bubuing national team na sasabak sa 2017 Southeast Asian Games triathlon event.
- Latest