^

Metro

Utak sa pagpaslang sa brgy. chairwoman, timbog

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Natunton  sa piitan sa Meycauayan, Bulacan ang isa sa suspek na sinasabing utak sa pagpatay sa isang barangay chairwoman, noong nakalipas na buwan  sa Tondo, Maynila,.

Kamakalawa ng gabi nang  puntahan ng mga tauhan ng Manila Police District-Station 7 sa  piitan ang suspek na si Alfred Basilisa, alyas Redd Solero, 24 at residente ng Interior 16 Hermosa St.,  Tondo, Maynila,

Nabatid na nakakuha ng impormasyon ang MPD hinggil sa pagkadakip ng Meycauayan Police kay Basilisa sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 (in relation to Sec. 26, Art. II) ng Republic Act 9165 noong Abril 5  sa isang bahay sa Saint Michael Subdivision, Brgy.  Pandayan, Meycauayan City, Bulacan  dakong alas -3:40 ng hapon kamakalawa (Abril 5).

Bitbit ng mga tauhan ng MPD-Stn. 7 ang warrant of arrest kaugnay pa rin sa nakabinbing kaso sa iligal na droga nang magtungo sa Meycauayan Police para arestuhin si Basilisa.

 Ayon kay P/Supt. Alex Daniel, hepe ng MPD-Station 7,  isa si Basilisa sa itinuturong nagpapatay kay Chairwoman Nenita Acuña, 43, ng  Barangay 200, Zone 18, District 2, noong Marso 1, 2017 .

 Una nang napatay ang isa pang suspek na siya umanong ‘gunman’ at nakapatay kay Acuña, na si Aldrian Ta-yag,  alyas  Pitong matapos na makipagbarilan sa mga pulis.

Utos diumano ni Basilisa na itumba ang chairwoman sa  hinalang  ito ang nasa likod ng pagpapahuli sa mga pinaghihinalaang drug pusher sa lugar. Inihahanda na ang kasong murder na isasampa laban kay Basilisa.

vuukle comment

ALFRED BASILISA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with