^

Bansa

Mass leave sa BI baka makaapekto sa national security, ekonomiya

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inamin ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre na nakakabahala kung matutuloy ang bantang mass leave ng mga kawani ng Bureau of Immigration sa mga international airport. Ito’y kaugnay sa isyu ng mga kawani na hindi sila nababayaran ng overtime pay simula pa noong buwan ng Enero.

Ayon sa kalihim, ngayong nalalapit na ang Semana Santa at summer vacation ay hindi maaring walang tatao sa mga immigration counter ng international ports. Mapanganib aniya,  ito at apek­tado ang national security dahil walang sasala at magpoproseso sa mga pumapasok sa bansa.

Bukod sa usaping pangseguridad, makakaapekto rin daw ito sa ekonomiya, partikular na sa turismo dahil hindi malayong madismaya ang mga turista na nais na magtungo sa bansa. Sa lalong madaling panahon ay dapat nang solusyunan ang isyu upang hindi na umabot pa sa inaasahang pagdagsa ng mga bibiyahe sa bansa. Ang BI ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng DOJ.

 

vuukle comment

MASS LEAVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with