^

Bansa

Divorce bill isama sa priority – Gabriela

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos ang pag-amin na mayroong girlfriend, umapela  si  Gabriela Rep. Arlene Brosas kay House Speaker Pantaleon Alvarez na isama sa priority measures ang Divorce bill.

Ayon kay Brosas, ang divorce bill ay isang legal na opsyon para magamit sa paghihiwalay ng mag asawa na hindi na talaga maaaring magsama o may irreconcilable differences na.

Paliwanag ni Brosas, ang nasabing panukala ay pinakamadali at pinakamabilis na paraan para tulungan ang isang pamilya na naniniwala sa kasagraduhan ng kasal at magpapalaya naman sa mga kababaihan at kalalakihan na hindi na maayos ang marriages.

Hindi naman direktang iniuugnay ng kongresista na may kaugnayan ang kanyang apela na isama sa priority measures ang divorce bill  sa kontrobersiyang kinasasangkutan ni Alvarez  matapos umamin na may girlfriend siya at matagal na silang hindi nag uusap ng kanyang asawa.

Bagamat mayroon naman umanong annulment ay matagal at  mahirap pa rin ang proseso na ito dahil kailangan pa ng psychologies  hindi katulad ng Divorce na mas mapapadali ang proseso kapag tuluyan na itong naisabatas.

Para naman kay Surigao Rep. Robert Ace Barbers, na kapag ang isang mag asawa na mistulang laging “Pacquiao at Marquez” na laging nag-aaway sa bahay ay dapat bigyan na lamang ng way out legally para makahanap ng opsyon.

vuukle comment

DIVORCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with