^

Bansa

Walang toll fee hike ngayong Semana Santa – DOTr

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Walang toll fee hike ngayong Semana Santa � DOTr
Ayon kay DOTr Public Information Officer Goddess Hope Libiran, walang ipapatupad ng toll fee increase sa susunod na linggo, kung kailan inaasahang magsisimula nang mag-uwian sa kani-kanilang lalawigan ang mga taga-Metro Manila.

MANILA, Philippines - Tiniyak kahapon ng Department of Transportation (DOTr) na walang magaganap na pagtaas ng toll fee sa iba’t-ibang expressway at iba pang highway sa bansa ngayong Semana Santa.

Ayon kay DOTr Public Information Officer Goddess Hope Libiran, walang ipapatupad ng toll fee increase sa susunod na linggo, kung kailan inaasahang magsisimula nang mag-uwian sa kani-kanilang lalawigan ang mga taga-Metro Manila.

Inaasahan ng DOTr na madaragdagan ng 15 porsiyento ang volume ng mga sasakyan na bibiyahe sa North Luzon Expressway (NLEX), Subic-Clark-Tarlac Expressway, (SCTEX), Cavite Expressway (CAVITEX) at South Luzon Expressway (SLEX) ngayong Mahal na Araw.

Tiniyak ng mga namamahala sa mga naturang expressways na magpapakalat sila ng mga patrol crews, mas maraming toll tellers, mga traffic signs at lane management team para hindi masyadong mahirapan ang mga motorista at bumilis ang kanilang biyahe.

Magpapatupad rin ang DOTr ng Zero road works mula Abril 7 hanggang 17 upang hindi ito makadagdag abala sa mga biyahero. Iprinisinta rin ng NLEX ang kanilang live camera feeds para sa public monitoring.

Inaasahan ring darami ang bilang ng mga pasahero sa mga provincial buses, kaya’t may 1,100 sa kanila ang inisyuhan na ng special permit ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) para makabiyahe ngayong Holy Week break.

Tiniyak rin ng DOTr na magpapatupad sila ng mahigpit na seguridad sa mga expressway at magpupwesto ng mga tauhang handang umayuda sa mga motorista na makakaranas ng problema sa kanilang biyahe.

Iniutos na rin ng DOTr sa Philippine Coast Guard (PCG) na magpatupad ng mahigpit na seguridad sa mga daungan sa buong bansa bago pa man sumapit ang Mahal na Araw para matiyak ang kaligtasan ng mga biyahero.

 

vuukle comment

SEMANA SANTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with