^

Probinsiya

4 dedo sa motorbike mishap

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Patay ang apat na kalalakihan sa naganap na magkahiwalay na motorbike mishap sa mga bayan ng Enrile, Cagayan at Delfin Albano, Isabela kamakalawa. Kinilala ni PO2 Marlyn Banan ang mga biktima na sina John Christopher Feliciano, 19; John Mark Bondoc, 18 at si Charlie Tabangin 19, mga nakatira sa Barangay Roma. Ayon sa report, pauwi na ang mga biktima mula sa isang kasiyahan sa Tuguegarao City nang salpukin ng kanilang motorsiklo ang barrier ng kinukumpuning ba­hagi ng kalsada sa Barangay San Roque sa bayan ng Enrile, Cagayan dakong alas-4:30 ng madaling araw.  Samantala, namatay naman ang kaangkas ni Robert Balungkita na si Franklin Viernes, 55, matapos itong nagpasirku-sirko sa ere  nang sumadsad ang kanilang motorsiklo sa kurbadang bahagi ng highway sa Barangay San Macario sa bayan ng Delfin Albao sa Isabela kamakalawa. ?

vuukle comment

MOTORBIKE MISHAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with