^

PSN Opinyon

Hikayatin ang mga kaalyado

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Binatikos muli ni Pres. Rodrigo Duterte ang US, kung bakit hindi pinigilan ang China na maglikha ng mga arti­pisyal na isla sa South China Sea. Ang US lang naman daw ang bansang makakatapat sa lakas-militar ng China. Pero wala namang pag-aangkin ang US sa mga isla sa South China Sea, kaya siguro hindi nila basta-basta mapigilan ang China. Ang kanilang ginawa ay hamunin ang pag-aangkin ng China ng teritoryo sa pamamagitan ng mga “freedom of navigation” ng mga barko,  at “overflights” ng mga eroplano. Ilang beses na rin ginawa ito hindi lang sa South China Sea kundi sa lugar malapit sa Japan, kung saan nagpapatupad ng Air Defense Identification Zone (ADIZ) ang China.

Ayon sa isang analyst, kung gusto talagang ipagtanggol ang mga karapatan sa West Philippine Sea, ang dapat gawin ng Pilipinas ay hikayatin ang mga kaal­yado sa rehiyon na magkaisa para tapatan ang China. Kaalyado ng Pilipinas, sa ngayon, ang US, Japan, South Korea, Australia, New Zealand at Thailand. Pero dahil nga sa tindi ng galit ni Duterte sa US, pati na rin ang kanyang nais na maging matalik na kaibigan na ng China, naisasantabi na ang mga isyu tulad ng soberenya at karapatan sa ilang bahagi ng karagatan. Aktibo rin ang China sa pagkakaroon na ng impluwensiya sa ASEAN. May kapalit ang lahat, ika nga. Kung magpapatuloy ang paglayo ni Duterte sa US, isama na rin ang European Union, at paglapit sa China, pati na rin sa Russia, hindi magtatagal ay mawawala na talaga ang ating karapatan sa karagatan.

Madalas nating marinig si Duterte na pinupuri nang husto ang China sa kanyang mga talumpati. Tila nagpapaliwanag kung gaano kabait ang China sa atin, at kung gaano na kalaki ang naibibigay na tulong sa bansa. Pero sa huling survey na ginawa sa bansa, mas marami pa rin ang may tiwala sa US kaysa sa China. Dapat maging­ gabay rin ito ng administrasyon sa pagtahak ng pata­karang pandaigdig. Hindi puwedeng masilaw sa lahat nang ibinibigay ng China. Hindi puwedeng isuko na lang ang ating karapatan, na ipinaglaban din naman sa maayos na pamamaraan.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with