^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Dapat nagpakita nang ‘ngipin’ang LTFRB

Pilipino Star Ngayon

Nagbabalak na naman ng isang malaking tigil-pasada ang isang transport group sa mga darating na araw. Ayon sa report, tatlong araw ang ikakasang tigil-pasada ng Stop and Go Coalition. Wala raw makakapigil sa kanila kahit hindi makisama ang iba pang samahan ng mga jeepney sa buong bansa.

Sa bantang ito, dapat magpakita na ng “ngipin” o mas maganda, ilabas na ng Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang kanilang pangil laban sa transport group na magsasagawa ng tigil-pasada. Malambot ang LTFRB kaya naman umaabuso ang ilang transport group at nagsasagawa ng tigil-pasada.

Ang Stop and Go Coalition ang nagpasimula ng tigil-pasada ng mga jeepney noong Marso 1 na nagparalisa sa maraming lugar sa Metro Manila at ilang probinsiya. Maraming commuter ang hindi nakapasok sa kanilang trabaho at school.

Walang ginawang hakbang ang LTFRB sa mga operator at driver na nakisimpatya sa Stop and Go Coalition. Ni isa ay walang nabawian ng prankisa. Pawang banta lang ang LTFRB sa mga nagtigil-pasada kaya naman umabuso na at ngayon nga ay nagbabalak na namang magsagawa ng panibagong strike at mas mahaba pa.

Ayon sa lider ng Stop and Go ang tigil-pasada ay bilang protesta sa isasagawang phase out ng mga jeepney na may edad 15 taon pataas. Hindi umano sila papayag sa balak na ito ng pamahalaan sapagkat mawawalan ng pagkakakitaan ang mga maliliit na jeepney driver. Hindi rin daw makatarungan ang balak ng LTFRB na pauutangin ng P1.4 milyon ang jeepney operators para makabili ng bagong jeepney subalit solong babalikatin ng operators ang pagbabayad. Wala raw share ang gobyerno. Isailalim na lamang daw sa rehabilitasyon ang mga lumang jeepney at huwag i-phase out.

Nararapat lang ituloy ang pag-phase out sa mga lumang jeepney. Ang mga ito ang nagdudulot ng mga malalagim na aksidente. Nagdudulot din ng air pollution na dahilan nang pagkakasakit ng sakit sa puso, stroke, asthma at iba pa. Walang disiplina ang ilang driver kaya nagkakaroon ng trapik. Magkaroon na sana ng “pangil” ang LTFRB.

vuukle comment

LTFRB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with