^

Bansa

Boat capt. nasagip sa Sayyaf

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Umiskor ang tropa ng mga sundalo sa  pagkakasagip sa kapitan ng tugboat na binihag ng mga bandidong Abu Sayyaf sa Basilan, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Joint Task Force (JTF) Basilan commander Col. Juvymax Uy, ang nailigtas na bihag na si Aurelio Agacac. Sinabi ni Uy na nasagip ng kaniyang mga tauhan si Agacac sa Brgy. Basakan Hajji Mohammad Ajul.

Bunga ng military pressure ay napilitan ang mga kidnaper na abandonahin ang bihag.

Ayon pa kay Uy, nasagip si Agacac matapos marekober nitong Biyernes ang dalawa sa mga bangkang ginamit ng mga bandido sa pagdukot sa mga bihag.

Huwebes ng tanghali dinukot ng mga bandido ang biktima at kasamang si Laurencio Tiro, chief engineer sa Panamian Roro vessel 9 na naglalayag sa Sibago Island sa Hajji Mohammad Ajul, Basilan galing General Santos City patungong Cebu.

Patuloy naman ang operasyon ng JTF Basilan upang masagip si Tiro.

vuukle comment

ABU SAYYAF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with