^

PM Sports

‘Di pa tapos ang laban

Pang-masa

LARO SA MARTES (Ynares Arena, Pasig)

SEMIFINALS Game 3, Best-of-three

3 p.m. CafeFrance vs Racal Ceramica

5 p.m. Tanduay vs Cignal

 

MANILA, Philippines - Kapwa nakahirit ng deciding Game 3 ang CafeFrance at Cignal-San Beda sa kani-kanilang best-of-three semifinals series sa 2017 PBA D-League Aspirants’ Cup sa Ynares Arena sa Pasig kahapon.

Tinalo ng CafeFrance ang Racal Ceramica 86-75, habang nalampasan ng Cignal-San Beda ang matin-ding hamon na ibinigay ng Tanduaytungo sa 89-86 panalo para itabla sa 1-1 ang kanilang mga serye.

Kinamada ni Bakers guard Aaron Jeruta ang 10 sa kanyang 18 puntos sa fourth quarter upang pangunahan ang 16-4 run na kanilang ginawa para selyuhan ang panalo.

“Sobrang nagpapasalamat rin ako kasi buong season wala akong nilarong maganda ni-isa,” pahayag ni Jeruta. “Nahiya rin ako sa mga teammates ko eh na hindi ako nakakapagpakita para sa kanila.”

Muli ring nagpasiklab ang kanilang Congolese center na si Rodrigue Ebondo na nagposte ng 25 puntos, 22 rebounds at anim na blocks.

Sa naunang laro, nalampasan ng Cignal-San Beda ang matinding hamon na ibinigay ng Tanduay upang itabla ang kanilang serye sa iskor na 89-86.

Nagawang maitabla ng Rhum Masters ang laro sa 77 sa ika-4:28 punto ng fourth quarter para burahin ang 70-60 na bentaheng ipinoste ng Hawkeyes sa pagtatapos ng third quarter, nang magpakawala ng 19-7 run na pinangunahan ng dating pro na si Lester Alvarez at Letran Knight Bong Quinto.

Naulit pa itong muli ng Rhum Masters sa iskor na 80 may 2:17 ang nalalabi sa laro, ngunit kumana si Jason Perkins mula sa tres para ibalik sa Hawkeyes ang lamang, 83-80. Nakapagbuslo rin ng clutch baskets sina Harold Arboleda at Pamboy Raymundo sa huling minuto ng laro, na siyang pumigil sa huling tangka ng Rhum Masters na agawin ang lamang.

“Buhay pa, buhay pa kami,” pahayag ni Cignal head coach Boyet Fernandez. “At least we get another day to live. It’s really the boys who stepped up.”

Nagtala si Perkins ng 15 puntos at limang rebounds habang gumawa naman ng tig-13 puntos at 13 rebounds si Benedict Adamos upang pamunuan ang opensiba ng Cignal. - FMLumba

 

vuukle comment

PBA D-LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with