^

PSN Showbiz

Piolo dinaig ang mga pulitiko

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Anumang kasalanan meron si Piolo Pascual sa pag-viral ng paghahalikan nilang mag-ama sa Internet ay napawing lahat nang mag-guest sila ni Inigo Pascual sa Magandang Buhay at bukod sa nabigyan niya ng justice ang closeness nila ay napag-alaman ng lahat na mayroon siyang mga pinag-aaral na kabataang mahihirap.

Hindi pa ako bibilib sa kanya kung isa siyang pulitiko dahil may mga pondong tinatanggap ang mga pulitiko para rito. Hindi galing sa bulsa nila ang pondo na ibinibigay para sa scholarship ng mga mahihirap na gustong makatapos ng pag-aaral. Pero si Piolo ay hindi isang pulitiko, isa siyang artista. Hirit pa kayo?

Andi ayaw ipakita ang anak kay Jake

Ipinagdaramot na raw ni Andi Eigenman ang anak na si Elle sa ama nitong si Jake Ejercito. Dati ay very open si Andi sa pagsasama ng mag-ama.

Hindi naman siguro magtatagal ang pagdaramot ni Andi ng kanyang anak sa ama nito. Baka nagkaroon lamang siya ng pansamantalang insecurity at takot sa pagiging close ng dalawa. Pasasaan ba’t gugustuhin niyang magkasamang muli ang dalawa. Huwag lamang mawawalan ng pasensya si Jake na maghintay sa pasya ni Andi at huwag ipilit muna ang kanyang gusto. 

Angel ‘aagawan’ ulit ni Jessy?!

Hindi sana umalma si Angel Locsin kung kay Jessy Mendiola mapupunta ang role bilang bagong Darna. It will prove na talagang naka-move on na siya sa naging relasyon nila ni Luis Manzano. Mas gusto ba niyang kay Ellen Adarna mapunta ang role? But in the first place, tila hindi naman si Angel ang tumututol kay Jessy hindi lamang sa pagiging Darna nito kundi sa pagti-take over sa puso ng kanyang ex.

Erik ipinagpalit si Angeline sa beauty queen

Marahil kung hindi in love ngayon si Angeline Quinto ay baka nakaramdam pa siya ng selos sa sinasabing pagkakaibigan nina Erik Santos at ng isang naging kandidata sa Miss Universe na si Jamie Lee Faulkner. Kahit nakauwi na ng kanyang bansa ang beauty queen ay balitang may communication pa rin sila ni Erik na naka-level up na nang husto sa kanyang pagiging singer dahil bukod sa pagiging direktor ng kanyang nakatakdang malaking konserto ay siya rin ang gumawa ng script nito.

Matatandaan na naging malaking bahagi sina Erik at Angeline ng isang pinag-usapang romansa sa showbiz na hindi nagtuloy at nanatiling balita lamang.

Maymay hindi naramdamang nilayasan ng ama

Si Maymay Entrata ang gaganap ng sarili niya sa Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado, March 25. Alam na ng lahat ng mga nakapanood sa kanya sa Pinoy Big Brother (PBB) kung saan siya ang itinanghal na big winner na lumaki siya sa kanyang lolo’t lola. Ang kanyang ina ay nagtrabaho sa Japan habang ang ama nila ay bata pa lamang nang layasan sila. Dahil sa mga matatandang nag-alaga sa kanila, hindi naramdaman ni Maymay na broken ang family niya. Pero nagkasakit ang lolo niya at dahil dito ay naubos ang kanilang kabuhayan. Nakapagpatuloy lamang siya ng pag-aaral sa pamamagitan ng isang scholarship na nakuha niya sa pagsali sa school choir.

Nagsimulang magbago ang buhay ni Maymay nang makasali ito ng PBB at habang nasa loob ng Bahay ni Kuya ay namatay ang kanyang lolo. Pinayagan siyang pumunta sa burol nito at ayaw na sanang bumalik kundi lamang sa hangarin na masuportahan ang kanyang pamilya.

Kasama sa episode na idinirek ni Raz dela Torre mula sa panulat nina Joan Habana at Arah Jell Badayos sina Vina Morales, Dante Rivero, Ces Quesada, Paul Salas, Marc Acueza, Kira Balinger, Raven Cajuguiran, Johan Santos, Bianca Bentulan, at Harvey Bautista.

vuukle comment

PIOLO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with