^

PSN Showbiz

Pia may karapatan sa ‘bato’

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Ang 2015 Miss Universe na si Pia Wurtzbach ang isa sa mga tatayong hurado ng ika-5th cycle ng Asia’s Next Top Model na gaganapin sa Singapore sa darating na April 5, 2017.

Ang 14 na napiling contestants/participants ay magmumula sa Pilipinas, Singapore, Indonesia, Vietnam, Japan, Korea, Hong Kong, Taiwan, Myanmar, Thailand, Nepal, Mongolia, at Indonesia. Tatlo rito ay magmumula sa ating bansa. Sina Anjelica Santillan (22), Jennica Sanchez (20), at si Maureen Wroblewitz (18). At umaasa si Pia na sana’y Filipina ang manalo.

Bukod sa pagiging hurado ng Asia’s Next Top Model, busy siya sa iba’t ibang activities lined up for her dahil may tatlong taon pa siyang kontrata sa Miss Universe at kasama na rito ang product endorsements, hosting jobs at paggawa ng pelikula.

Bago naging Miss Universe si Pia ay contract talent siya ng Star Magic ng ABS-CBN kung saan siya nakagawa ng ilang TV shows at pelikula.

Since open na ngayon ang selection ng gaganap na Darna matapos muling mag-back out si Angel Locsin due to her back ailment, may mga nag-suggest din ng pangalan ni Pia na bagay gumanap sa nasabing super hero.

Siguradong may short list na ang Star Cinema na pinamumunuan ni Malou Santos kung sinu-sino ang pinagpipilian na puwedeng gumanap sa Mars Ravelo-created heroine character.

Sa totoo lang, Salve A., marami sa kuwadra ng ABS-CBN ang bagay na gumanap sa next Darna.

Calendar GIRL na si Kara Mitzkimay concert na agad

Humarap sa isang intimate group ng entertainment writers ang Fil-Aussie singer-actress at 2017 Calendar Girl ng Tanduay White na si Kara Mitzki last Monday afternoon para kanyang nalalapit na concert with singer-actor Michael Pangilinan sa Music Museum on April 8 na pinamagatang 56K with Kara and Khel na produced ng ating kaibigan at kasamahan sa panulat na si Jobert Sucaldito. Magiging special guests sina Vice Ganda, ang 2nd placer ng Tawag ng Tanghalan (ng It’s Showtime) na si Sam Mangubat at si Duncan Ramos.

Kara is being co-managed by Viva Artists Agency at ni Annabelle Rama na present during the mini press conference ng sexy singer-actress-model.

Given the chance, gustong makatrabaho ni Kara ang kapwa niya Fil-Aussie na si James Reid at si Sam Milby na pareho ring kumakanta katulad niya.

Although maganda at sexy, gusto ni Kara na makilala siya sa ta­lent niya sa pagkanta at pagsayaw and eventually ma-discover na kaya rin pala niyang umarte. Gusto rin niyang maka-inspire sa mga kabataan dahil wala siyang bisyo tulad ng paninigarilyo, pag-inom, at maging sa drugs.

During the presscon, tinanong si Kara ng ating kasamahang si Jun Nardo kung virgin pa ito (at 25) na agad namang sinagot na “No” ng singer-dancer.

Sa Pilipinas man ipinanganak si Kara, sa Sydney, Australia na ito lumaki at nag-aral pero pabalik-balik siya ng Pilipinas para magbakasyon kaya marunong siyang mag-Tagalog.

Samantala, ang back-to-back concert nila ni Michael Pangilinan sa Music Museum on April 8 ay magsisilbing first major concert ni Kara.

vuukle comment

PIA WURTZBACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with