^

PSN Showbiz

Inigo tinawanan lang ang halikan nila ni Papa P

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Tulad ng kanyang amang si Piolo Pascual hindi naman pala apektado si Inigo Pascual kung minasama ng iba ang kissing video nila. Actually, tinatawanan lang daw nga niya ang mga malisyoso.

Kahapon sa Magandang Buhay kung saan nag-apir silang mag-ama, sinagot niya ang isyu.

“To be honest it’s something that ngayon, parang I just laugh about it. Kasi parang what’s the point of making a story out of something that shouldn’t,” pahayag ng young actor.

“Parang hindi ko maintindihan bakit kailangan nilang gawin? Hindi ko maintindihan why even it has to be a thing? He is my dad and if they don’t treat their dad the same way, that’s not my problem,” dagdag niya pa.

Nauna nang sinagot ni Piolo ang nasa­bing pagmamalisya ng mga netizen sa kanilang video nung presscon ng Northern Lights : A Journey to Love na showing na sa March 29.

Unan na pampasarap ng tulog ibinibenta nina doc Rob at Patricia

Sikat na sikat na ang Doc  Rob’s Chiropractic Wellness Clinic ng mag-asawang Dr. Rob Walcher at Patricia Javier.

Iilan lang kasi ang magaling na Chiro doctor sa bansa at kabilang na nga rito ang Amerikanong mister ng aktres na ngayon ay endorser na rin ng make up line na Girlactik.

Sa mga may problema sa spine nakatutok si Doc Rob. Kasama na ang pananakit sa leeg, likod, balikat etc.

At kabilang sa mga regular patient ni Dr. Rob sina Coco Martin, Julia Montes, Derek Ramsay, Martin Nievera, Claudine Barretto at marami pang ibang celebs.

Ngayon ay ipinakikilala nila ang Doc Rob’s Chiropractic Wellness Pillow na mabibili sa kanilang clinic sa halagang P3,500 each ang large size, medium is P3,000 and small size is 2,500. (For inquiries please call 0905-4448172 or 0999-8435939.)

Yup, kinda expensive pero ayon kay Dr. Rob, kailangan naman nating mag-invest sa unan. Una para mapasarap ang tulog mo at maging tama ang posisyon.

Madalas kasi na paggising natin either masakit ang leeg or likod natin dahil sa maling posisyon ng pagtulog.

Anyway, for good ang pamamalagi sa bansa nina Doc Rob and Patricia at dalawa nilang anak Robert IV, 10, and James, 5.

Matatagpuan ang Doc  Rob’s Chiropractic Wellness Clinic sa Scout Rallos Street, corner of Tomas Morato Avenue and Scout Madrinan.

vuukle comment

PIOLO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with