^

Bansa

Rizal at Manila artists magsasama-sama para sa ‘Iba’t ibang Mukha ng Pintura’ group art show

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Anim na artists buhat sa iba’t ibang bayan sa Rizal Province at sa lungsod ng Maynila ang magsasama-sama sa isang group art exhibition na may temang “Iba’t ibang Mukha ng Pintura” na gagawin sa Passion Arts Gallery, 4th floor, SM Megamall sa Mandaluyong City sa darating na March 28, 2017 hanggang April 8.

Lima sa anim na mga mahuhusay na artists na magmumula sa iba’t ibang bayan sa Rizal ay sina Jimmy Vista; Irvyn Roxas; Adler Llagas; Tony Daleon, at Angelito “Jo” Florendo, habang si Kenneth Montegrande naman na mula sa Ermita, Manila.

Si Vista ay bihasa sa water color painting at kasalukuyang Bise-Alkalde ng Tanay, Rizal; si Roxas na tubong Tanay, Rizal din na kilala naman sa kanyang mga romantic realism artworks; si Llagas ay isang landscape artist mula sa Baras, Rizal; si Daleon na mula sa Lucena at Morong, Rizal, ay mahusay sa techniques sa water color painting, habang si Florendo na taga Morong, Rizal rin ay sumikat sa iba’t ibang version ng kanyang mga Japanese koi painting at mga bulaklak. 

Samantala, si Montegrande naman mula sa Manila na isang abstract expressionist’s painter na kilala sa kanyang makulay at may positibong meaning ng abstract painting ay dating official spokesman ng Department of Tourism for National Parks Development Committee mula taong 2010-2014, ang ahensiya na siyang nangangalaga sa Rizal Park o Luneta. Si Montegrande ay nagkaroon na rin ng tatlong sunod-sunod na For-A-Cause Solo-Art Exhibition noong taong 2013, at 2014.

Hinihikayat ng anim na artists na samahan sila at dumalo sa opening cocktails ng nasabing event sa ganap na alas-6 ng gabi sa darating na March 28.

vuukle comment

PASSION ARTS GALLERY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with