^

PM Sports

Gusto nang tapusin ng Tanduay at Racal

Pang-masa

MANILA, Philippines -  Balak nang tapusin ng Tanduay at Racal Ceramica ang kani-kanilang mga best-of-three series sa semifinals upang makausad sa Finals ng 2017 PBA D-League Aspirants’ Cup sa Ynares Arena sa Pasig ngayong hapon.

Muling makakatapat ng Racal ang CafeFrance sa dakong alas-5 kasunod ng sagupaan ng Tanduay at Cignal-San Beda sa ganap na alas-3.

Ang panalo ngayong hapon ang magdadala sa Racal sa Finals ng liga sa unang pagkakataon.

Ngunit alam ni head coach Jerry Codiñera na hindi magiging madali ang pagsubok na ito kontra sa CafeFrance na dati ng nagkampeon sa liga.

“The name of the game is we have to be patient. Anything can happen, anything is possible. We expected a down the wire affair and tama nga dahil ganoon ang nangyari. We expect nothing less from that sa Game 2,” paha-yag ni Racal head coach Jerry Codiñera.

Tinalo ng Tile Masters ang Bakers sa Game 1, dahil sa game-winning three-pointer ni Fil-Nigerian forward Sidney Onwubere, 88-86.

Muling sasandal ang Tile Masters kina Onwubere, Rey Nambatac at Kent Salado para harapin ang tropa nina Rodrigue Ebondo at Paul Desiderio ng Ba-kers, na nais namang ipuwersa ang Game 3.

Sa isa pang serye, babangkuhan pa rin naman ng Rhum Masters ang kanilang dalawang dating pro na sina Mark Cruz at Jerwin Gaco para tanggalin ang top seed na Hawkeyes na kanilang ginupo sa Game 1, 66-55 upang tuldukan ang kanilang eight-game winning streak.

“We know Cignal will come out with adjustments. At this stage, bar room brawl na ito eh. Ma-tira matibay,” pahayag ni Tanduay head coach Lawrence Chongson. FML

 

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with