^

Bansa

Gitgitan sa kalsada drayber hinataw ng baseball bat

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Isang motorista ang hinataw ng baseball bat ng kapwa nitong motorista matapos magkagitgitan at magkapikunan dahil sa away trapiko sa  kahabaan ng Alabang-Zapote Road kamakalawa sa Las Piñas City.

Kinilala ang sugatang si Benjamin Reynante at ang suspek na si Alberto Medrano.

Ayon sa traffic enfor­cer na si Melchor Llamoso ng Las Piñas City Police, naganap ang insidente alas-4:30 ng hapon sa  kahabaan ng Alabang-Zapote Road ng naturang siyudad.

Nabatid na bumaba  ang asawa ni Alberto na kinilalang si Maria Medrano mula sa dark gray nitong kotseng Mitsubisi Mirage at kinumpronta ang nakagitgitang driver ng  Mitsubishi Montero na si Reynante.

Sa gitna ng  argumento ay  bumaba mula sa kotse ang asawa ni Maria na si Alberto, na may dalang baseball bat.

Sa unang pag-atake ay naawat pa ng enforcer si Alberto, subalit muling nakabuwelo ang suspek at hinataw ng dalawang beses sa braso at isa sa likod si Reynante.

Naawat na lang ang suspect nang may rumes­pondeng mga pulis.

Desidido ang biktima na magsampa ng reklamo  laban sa suspek.

Paliwanang naman ni Mrs. Medrano, sinenyasan daw kasi siya ni Reynante ng masama at kinunan ng litrato nang magkagitgitan ang mga ito.

Payo ng pulisya sa mga motorista magbaon ng mahabang pasensiya upang hindi magkasakitan sa kalsada.

vuukle comment

BENJAMIN REYNANTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with