^

Police Metro

4 Maute terrorists timbog

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Umiskor ang mga elemento ng Joint Task Force ZamPeLan (Zamboanga Peninsula and Lanao) matapos na masakote ang apat na wanted na miyembro ng Maute terrorist group na sangkot sa pambobomba at iba pang kriminal na aktibidades sa raid sa Lanao del Sur kamakalawa.

Sa ulat ni Major Gen. Carlito Galvez Jr. , Commander ng AFP Western Mindanao Command (Westmincom)  ang mga nasakoteng suspek ay sina Pao Panganga alyas Faizal, Alex Areg Bagul,  Alisata Tumao Maute at Saadra Macapanton Madayan.

Ang mga suspek ay sangkot sa kidnapping for ransom, gun-for-hire, carnapping, pambobomba, extortion at maging sa illegal drug trade sa lalawigan ng Lanao del Sur at Lanao del Norte.

Sinabi ni Galvez na bandang alas-3 ng ma­da­ling araw ng magsimulang magsagawa ng magkakahiwalay na law enforcements operations ang tropa ng mga sundalo sa mga bayan ng Piagapo at Saguiran; pawang sa lalawigang ito na nagresulta sa pagkakahuli sa apat na terorista.

Nabatid pa na ang mga suspek din ang sangkot sa pagpatay kay Supt. Abner Wahab Santos, da­ting konsehal at Director ng Marawi City.

Samantalang si Pa­nganga ay sangkot naman sa serye ng kidnapping sa Marawi City kabilang ang pagdukot ss biktimang si Omira Lotao, empleyado ng Mindanao State University noong Marso 5 ng taong ito.

Nasamsam sa operas­yon ang tatlong matataas na kalibre ng armas, isang pistol, isang Improvised Explosive Device (IED’s) at mga drug paraphernalia.

vuukle comment

JOINT TASK FORCE ZAMPELAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with