^

Metro

Driver itinumba ng tandem

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Nagpapatuloy ang pagsalakay ng mga killer na nakamotorsiklo sa lungsod ng Caloocan makaraang isang pedicab driver ang panibagong napaslang sa pamamaril na naganap kamakalawa ng gabi sa naturang lungsod.

Nakilala ang nasawi na si Marlon Galauran, 29, ng  Elisa Street, Brgy. 23, ng naturang lungsod.  Blangko naman ang pulisya sa pagkakakilanlan sa dalawang salarin na nakasuot umano ng bonnet at face masks.

 Sa ulat, naghihintay ng masasakyang jeep ang biktima sa kanto ng Tuna Street sa C-3 Road sa tapat ng isang gasolinahan dakong alas-10 ng gabi nang biglang huminto sa tapat niya ang isang motorsiklo at agad siyang pagbabarilin ng magkaangkas na salarin.

Ayon sa pulisya, may rekord umano sa iligal na droga ang biktima at dati na ring nakatok ang kanyang bahay sa ilalim ng “Oplan Tokhang”.

 

vuukle comment

MARLON GALAURAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with