^

Metro

Driver hinoldap na, taxi tinangay pa

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinangay ng isang lalaki at isang babae na nagpanggap na mga pasahero ang taxi na pinapasada ng isang tsuper makaraang holdapin at bugbugin pa ang biktima, kahapon ng madaling-araw sa Valenzuela City.

Sa ulat ng pulisya, nakilala ang biktima na si Ronnie Beatingo, 48, may-asawa, ng Frenza Divine Mercy, Marilao, Bulacan habang bigo naman siya na mamukhaan ang mga salarin.

 Sa salaysay ni Beatingo, isinakay niya ang dalawang salarin sa isang gas station sa may Balintawak, Quezon City at nagpahatid sa Brgy. Marulas sa Valenzuela City. Nang makarating sa may La Huerta Subdivision sa Brgy. Marulas dakong alas-4:20 ng madaling araw, dito na siya sinakal ng lalaking suspek at puwersahang kinuha sa kanya ang kanyang kinitang pera na aabot sa P3,000.

Pinalabas ng mga salarin si Beatingo sa sasakyan at nang nasa labas ay pinalo umano siya ng matigas na bagay sa ulo saka tinangay ang kanyang Toyota Vios na Sturdy  taxi at may plakang UWL 969.

Nakaalarma na sa lahat ng istasyon ng pulisya ang nawawalang taxi habang patuloy ang follow-up operations.

vuukle comment

RONNIE BEATINGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with