^

Metro

Ginang itinumba sa inuman

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 37-anyos na misis makaraang malapitang barilin ng nag-iisang suspect habang ang una ay nakikipag-inuman sa kanyang mga kaibigan sa Brgy. Bagong Pag-asa, Quezon City.

Nakilala ang nasawi na si Rosalia Mape, ng Sebastian St., sa nasabing Barangay.

Ayon kay PO3 Louie Serbito, ang suspek na nakasuot ng sumbrero, polo shirt at may dalang sling bag ay agad na tumakas makaraang isa­gawa ang krimen.

Sa pagsisiyasat, nang­­yari ang insidente sa may kahabaan ng Acacia St., Sitio San Ro­que, ng nasabing barangay dakong alas-9 ng gabi.

Bago ang insidente, nakikipag-inuman umano ang biktima sa kanyang mga kaibigan sa nasabing lugar habang ang anak nitong si Erica ay nakaupo naman ilang metro ang layo sa kanila.

Kuwento ni Erica, ilang sandali ay duma-ting ang suspek at luma­pit sa ina saka biglang nagbunot ng baril at pi­na­putukan ang huli.

Sa takot ni Erica ay mabilis itong nagtatakbo at makalipas ng ilang segundo nang balikan ang lugar ay nakita nalang niya ang walang buhay na katawan ng kanyang ina.

Ang insidente ay   agad na ipinabatid ng residente sa awtoridad kung saan nakarekober ang mga ito sa crime scene ng dalawang pi-raso ng basyo ng bala ng kalibre. 45. Habang nagtamo naman ng tama ng bala sa mukha at kili-kili ang biktima.

Inaalam pa ng awto­ridad ang motibo sa naturang krimen.

 

vuukle comment

ROSALIA MAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with