^

Bansa

‘Sputnik’ pinabulagta

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinihinalang may ka­ugnayan sa ilegal na dro­ga ang naganap na pagpaslang sa isang lalaki na miyembro ng ‘‘Sputnik Gang’’ makaraang ma-tagpuan ang bangkay nito na may isang pakete ng shabu sa isang kalsada sa Navotas City, Huwebes ng umaga.

Patuloy na inaalam pa ng pulisya ang pagkaka-kilanlan sa nasawi na nasa pagitan ng edad 20-30 taong gulang, nasa 5’3” ang taas, puno ng tattoo ang katawan kabilang ang tatak na ‘‘Sputnik’’ at ‘‘Lord Patawad’’ sa kanyang leeg. 

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-6:30 ng umaga nang madiskubre ng isang residente ang bangkay ng biktima na nakasuot ng puting t-shirt at camou­flage na shorts sa may baywalk sa Chungkang Street, Brgy. Tanza.

Sa pagsusuri ng Nor­thern Police District Crime Laboratory, nabatid na nakabalot ng packaging tape ang mukha ng bikti­ma habang nakatali ang mga kamay.  Nakuha rin sa bulsa ng biktima ang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na inaalam kung sadyang sa kanya o itinanim lang ng mga pumaslang.

Patuloy umano ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

 

vuukle comment

SPUTNIK GANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with