^

Para Malibang

Pia pumalag sa panggagamit sa social media!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Pumalag na ang dating Miss Universe na si Pia Wurtzbach laban sa isang direct selling company na patuloy na gumagamit ng kanyang pangalan at litrato na ipino-post pa sa social media.

Sabi pa ni Pia sa kanyang Twitter account: “Please stop tagging me on frontrow photos. I am not a part of frontrow!”

“Again, I’m not a part of Frontrow! Stop using my name and my photo”

Iyan ang problema kung minsan ng social media. Basta lumabas na, hindi mo na malalaman kung sino talaga ang naglalabas ng mga iyon.

Kung iyan ay sa lehitimong media, kagaya ng diyaryo o kaya ay radio at telebisyon, malalaman mo kung sino ang nagpapalabas ng advertisement. Kasi nga hindi naman ilalabas iyan nang walang advertising contract.

Sa social media, kahit na ano ay maaaring i-post, at pagkatapos kakalat na iyan, hindi mo na alam kung saan nagmula. Diyan kawawa ang mga personalidad na kagaya ni Pia na nagagamit ang pangalan.

Sino ang hahabulin mo kung sabihin sa iyo ng kumpanya na hindi naman sila ang gumawa noon? Social media nga iyan eh. Isa pa ngang masakit diyan iyong paggamit nila ng kung anu-anung salita na wala na sa ayos. May sumubok na bawalan sila, pero ang katuwiran nila kaya nga raw binabasa ang social media dahil sa mga salitang kanilang ginagamit, na siyempre hindi ninyo mababasa sa isang disenteng diyaryo, o maririnig sa isang lehitimong broadcast.

Siguro hindi lang si Pia ang nagiging biktima ng ganyan, hindi na lang din sila kumikibo, dahil ang katuwiran nila hindi naman talaga nila ine-endorse iyon. Mayroon din naman kasing naroroon ang raket. Minsan mapapansin ninyo sa social media posts na napakaraming pangalan ng mga produktong binabanggit. Nakakapag-endorse nga naman sila ng mga produkto nang hindi halata. Hindi na rin nalalaman kung magkano ang ibinabayad sa kanila para sa mga endorsement na iyon. Ang nadadaya naman diyan ay ang gobyerno, dahil hindi sila nagbabayad ng tax sa kinikita nila sa social media.

Totoo ba na biktima rin daw ng “sextortion” ang isa pang aktor? May ka-chat daw siyang babae sa internet, nagawa siyang lansihin noon para may gawi siyang hindi tama.

Hindi niya alam na kinukunan pala ng recording iyon at pagkatapos ay sinabing ilalabas iyon kung hindi siya magbibigay ng pera.

Malaki-laking halaga na rin daw ang nakukuha sa male star, pero ang naging attitude niya, mas mabuti na iyon kaysa sa ilabas pa ng mga iyon ang kanyang video at gawin pa ang bantang ibubunyag pati na ang kanyang hindi magandang nakaraan.

 

 

 

vuukle comment

PIA WURTZBACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with