^

Para Malibang

Piolo blind item ang GF

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Don’t look now, Salve A., pero si Yen Santos mismo ang nag-reveal sa presscon ng pelikula nila ni Piolo Pascual na Northern Lights: A Journey to Love na may kissing scene sila ng kanyang leading man na hindi lamang isa kundi marami raw. Ito’y bukod sa mga intimate scene nila, na ayaw na lang niyang idetalye.

Mas maganda raw na panoorin na lamang ang pelikula.

Paano siya nakumbinsi ni Piolo at ng director na si Dondon Santos na gawin ang eksena?

“Piolo happens to be my favorite actor,” pag-amin ni Yen. “At pangarap ko na maka-trabaho siya. Either sa TV o pelikula.

“In the case of Direk Dondon, nakaalalay naman siya sa akin sa mga nabanggit na delikadong eksena.

“Hindi po ito ang first time na gumawa kami ng project together.”

“Ang ganda ng project, actually,” ani naman ni Piolo. “Bukod sa mga eksena namin ni Yen, Kuwento rin ito ng isang mag-amang, kapwa sabik sa pagmamahal ng isa’t isa.”

Gaganap na anak ni Piolo ang child actor na si Raikko Mateo.

Filmed partly sa New Zealand at Alaska ang pelikula.

A production of Spring Films na pagmamay-ari ni Piolo, Regal Entertainment at Star Cinema, Northern Lights… opens in theaters nationwide, March 29.

Sa nabanggit din na presscon binanggit ni Piolo na oo, may isang babaeng kasalukuyang nagpapasaya sa kanya.

He refused to name names, though, although, marami ang may suspetsang si Shaina Magdayao ang kanyang tinutukoy.

Well.

Ang Northern Lights ang unang full-length movie this year ni Piolo. He is set to start work on a new but still untitled flick kung saan si Toni Gonzaga ang kanyang magiging leading lady.

 Arjo papatayin na sa probinsyano, magbibida sa sariling serye

Mamamaalam na ba si Arjo Atayde bilang pangunahing kontrabida ni Coco Martin sa top series na FPJ’s Ang Probinsiyano?

Common knowledge na si Coco ang kumumbinse kay Arjo na maging kontrabida sa Probinsyano.

And at that time, katatapos pa lamang niyang gawin ang series na Pure Love, where, together with Joseph Marco, he played leading man to Alex Gonzaga.

Which means, that if the ‘powers’ behind the Kapamilya would decide so, puwedeng maging solo leading man na siya sa kanyang susunod na assignment.

Ganun pa man, nang unang i-explain daw ni Coco kay Arjo ang magiging role nito sa series, ‘di lang siya (Arjo) nagandahan, kung hindi na-challenge pa siya.

The rest is, of course, history.

Ganitong kaaga, marami na ang humuhula na mamanahin ni Arjo ang trono ni Eddie Garcia bilang magaling na ‘mean man’ o kontrabida sa local showbiz.

Bale ba sa Probinsiyano, mag-lolo sina Eddie at Arjo. Supposedly, ay anak ni Eddie si Agot Isidro, na gumaganap naman bilang ina ni Arjo.

Well, if true na tuluyan na ngang ‘papatayin’ si Arjo sa series, he will surely be missed. In the same way na nami-miss siya ‘di lang ng kanyang mga co-star kundi maging ng mga suking sumusubaybay sa soap, na hate na hate siya bilang si Joaquin.

vuukle comment

YEN SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with