Ex-Pres. Noynoy binisita sa kulungan si de Lima
MANILA, Philippines - Mahigit 2 oras na masinsinang kinausap ni dating Pangulong Noynoy Aquino si Sen. Leila de Lima sa pagbisita nito sa PNP-Custodial Center sa Camp Crame kahapon.
Ayon kay PNP Spokesman Sr. Supt. Dionardo Carlos, bandang ala-1:45 ng hapon dumating si Aquino sa PNP-Custodial Center kasama ang executive assistant nitong si Joseph Casimiro at isa pang hindi natukoy ang pangalan.
Lulan ng dalawang kulay puting behikulo si Noynoy at mga kasama gayundin ang ilang escorts.
Sinabi ng sources na pagkapasok sa loob ay masinsinang kinausap ni Noynoy si de Lima na pinayuhang magpakatatag sa gitna ng pagsubok.
Umalis si Noynoy at mga kasama dakong alas-4:15 ng hapon na dumaan sa Gate 5 ng nasabing detention facility.
Magugunita na si de Lima ay inaresto ng PNP-CIDG noong nakalipas na Pebrero 24 matapos magpalabas ng warrant of arrest si Muntinlupa City Regional Trial Court (RTC) Branch 204 Juanita Guerrero kaugnay ng pagkakasangkot sa illegal drug trade sa National Bilibid Prisons (NBP).
- Latest